Mga Talumpati mula sa Info.Tech I-A

Miyerkules, Setyembre 2, 2009

Ang mga Kabataan ni Fatima Grace Fernandez

Ang mga kabataan nga ba ang pag-asa ng ating bayan?Marami ang nagsasabi na tayong mga kabataan ang pag-asa para sa ikauunlad ng ating bayan.Mayroon nagsasabi na tayong mga kabataan ang susi sa magandang kinabukasan at pagkakaisa ng ating bayan.Ngunit,bakit ngayon ay parang nag-iiba na ang tingin sa atin ng mga matatanda?Sinasabi na ng marami na tayo ang kasiraan ng bayan,bagama't maraming kabataan ngayon ang naiimpluwensyahan ng masasamang gawain tulad ng paggamit ng bawal na gamot,hindi pagpasok sa paaralan,pagrerebelde at maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.May pag-asa pa ba upang magbago ang mga kabataan naligaw ng landas?Marami pang pagkakataon upang mapagbago ang mga kabattan kailangan lang ng sapat na pagpapaalala ng kanilang mga magulang,pag-aalaga at pagbibigay ng buong pagmamahal,sa mga paraang ito mapagbabago ang mag kabataan at matatawag na muli tayong pag-asa ng ating bayan,susi sa kinabukasan.Ito lamang po ang aking masasabi tungkol sa mga kabataan ngayon.Maraming Salamat!

center;">Sa darating na eleksyon sa taong 2010


JOHN REGINALD A. BONDAD



Mga minamahal kong kababayan, sa darating na Mayo 10, 2010 ay gaganapin ang halalan para sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador, mga Congressman, mga Gobernador at Pangalawang Gobernador at Pangalawang Gobernador, mga Kagawad ng Sangguniang Panlalawigan, mg Punong Bayan at Pangalawang Punong Bayan at mga Kagawad ng Sangguniang Bayan.

Ang araw na ito ay mahalaga sa bawat isang mamamayang Pilipino, sapagka’t ang nakasalalay rito ay ang kinabukasan ng ating bansa lalo’t higit ang kapakanan ng susunod na saling lahi.

Dahil ditto, kailangan maging maingat, mapanuri, mapag-matyag sa pagpili ng mga pinuno na ihahalal natin sa nasabing halalan. Naririyan ang mga nagsasabing sila raw ang tunay na Lingkod Bayan, na magbibigay ng kapayapaan, kasaganaan, katahimikan para sa ating bansa at mga mamamayan.

Alamin nating mabuti ang kanilang mga katangian, karanasan, lalo’t higit ang kanilang pamilyang pinagmulan. Alamin din natin ang kanilang nakaraan, sapagka’t, yaon ang tunay na uri ng kanilang pagkatao na daglian nilang binabago kapag humaharap sa bayan. Nakikiusap na iboto at gumagawa at nagsasabi ng mga pangakong hindi naman tinutupad kapag hawak na nila ang lakas at kapangyarihan na nanggagaling sa taong bayan.

Nais ko ring ipaalala sa inyong lahat na ang tungkulin ng isang mamamayan ay hindi nagtatapos sa pagboto lamang sa panahon ng halalan. Kailangan nating bantayan at subaybayan ang mga prosesong ginaganap sa mga presinto sa mga minisipyo at mga probinsiya upang ang tunay na tinig at lakas ng taong bayan ang siyang mangibabaw sa darating na halalan.

Nais ko ring tawagin ang inyong pansin, na kailangang tayo ay magka-isa para sa malinis, mapayapa, matapat at kapanipaniwalang resulta ng gaganaping halalan sa Mayo 10, 2010.

Marami pong salamat at paghandaan po natin ang pinakadakilang pangyayaring magaganap na magbibigay ng pantay-pantay na karapatan sa mahirap o mayaman ang HALALAN sa Mayo 10, 2010.

Ang Alaala ng ating Nakaraan

Zyrene Ramos


Naiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw, nagtataka lang ako sa mga tao sa tuwing pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan.
Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan mga bagay, mga pinalampas na pagkakataon o oras.

Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao, kaylan ka pa bang huling umakyat ng bubong para matulog o para magpahangin, huling humiga sa isang mahabang bangko at tumingala lamang sa langit habang pinagmamasdan ang mga ulap, ang huling beses na naligo ka sa ulan o nagtampisaw sa baha, kaylan ka huling naupo sa tabi ng kalsada habang katabi ang iyong mga kaibigan. Kaylan kayo huling kumain ng mami sa kanto ng magkakasama, yung huling beses na dinalaw mo ang iyong elementary school o high school, kaylan ka ulit bumalik sa dati nyong tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa, kaylan ka huling naglaro ng teks. Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba ang pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay nagagawa nya?

Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? totoo nga bang habang tumatanda ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan sa mga munting bagay. Gaano na nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo ngayon o pakiramdam mo lamang ay malaki ito. Nakalimutan na ba nga tao ang mga kaligayahang inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng maliliit na mundo sa gitna nang napakalaking mundong ito,.

Naniniwala lamang ako na ang mundo ang syang umiiwan sa kalikasan pero kaylan man ay hindi iiwan ng kalikasan ang mundo.

Ang Simple nating Pamumuhay
Loudette Gamos

Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon, hindi ko alam kung paano ko sisimulan, marami na kasing problema ang bansa. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin, pero mas gusto kong magpokus sa buhay natin. Sa atin mismong simpleng pamumuhay.


Napagtanto ko kasi sa aking sarili na kinakailangan palang malagay sa alanganin ang
buhay mo upang kilalanin kang pinakamahusay. Ang nananalo sa paligsahan kadalasan
ay ‘yong mga taong nagbabakasakali kahit ang kapalit nito’y buhay at pagkatao. Ang
madalas matalo sa labanang ito ay ‘yong mga taong walang tiyaga at madalas ay
tumatangging tumayo sa malambot at mainam na kinalalagyan.

Gusto kong sabihin sa inyo, na ang buong kahulugan ng ating pagtitiis ay mauuwi pa
rin sa pagdadalamhati, na ang lahat nating pinagpaguran ay mawawala at malilimutan. Dapat
din nating malaman na ang tagisan ng talino ay isang magandang halimbawa upang makaiwas
tayo sa kahirapan ng buhay. Dahil sa kakulangan nito kung kaya’t marami ang taong nahihirapan
at namumulubi.

Ang isang pagkakamali ay agad nangangahulugan ng isang malaking trahedya sa buhay . . . na
higit pa sa inarugang-sarili ang masasaktan. Sapagkat may mga katotohanang hindi naaangkop
sa mamamayan ni sa panahon. Kapag ang lahat naman ng kasaganaan sa buhay ay natapos na,
ang mga duwag ay agad nakaiisip ng kamatayan samantalang umuusbong pa lang ang buhay sa
mga matatapang. Maraming taong hindi kayang tumayo sa gitna ng pagkatalo, halos itago nila
ang kanilang mga mukha sa kahihiyan, pagkabigo at pagkakamali.

Ang Lahi Natin ay Kayumanggi
Jamaela Rose Oaferina

Noong una, ang Kayumanggi ay tawag sa kulay at texture ng mga Pilipino. Ngunit nang makaraan, tawag na rin ito sa lahi ng Pilipino, bilang isang lipunang pangkatang daigdig.

Ngunit, ano ba ang kulay at lahi ng Pilipino? Sya ba'y moreno, puti, itim, dilaw, o pula? Sya ba'y matangkad, pandak, pango, kawit o matangos ang ilong, singkit o maliit ang mata, mabalbon, ulandes, madilim, pulahing, diretso o kuloting buhok, o/at may mga pekas ang mukha? Sya ba'y nagtatagalog, nag-iInglis, nagtataglish, nagdidiyalekto, nagbabalbal? Sya ba'y Kristiyano, Bhuddhist o Pagano?

Ito ang mga tanong na sumisipot sa salitang 'kayumanggi' na palaging sinasabi o naririnig datapwa'y di palaging nalilirip o di malinaw, ngunit nababale-wala, nakakarimarim, o naaabuso sa paggamit. Tatalakayin natin ito para mas malinawan ang ating pag-unawa sa salitang humahaling sa'ting mga Pilipino bilang mahalagang pangkat na lipunan ng daigdig, para bigyan tayo ng bukas na kaloobang pagdama sa salitang Kayumanggi, at mas mabatid kung sino tayo at paano tayo kikilos para babagay sumaksi bilang mga Kayumanggi.

Ang karaniwang pinapahiwatig sa'tin ng pambansang sistemang paaral at ng madlang lipunang Pilipino ang Kayumanggi ay kilala sa morenong kulay ng lahing Pilipino, na nalalapit-hawig sa mga taga-Malaysya. Pero masasabi ba nito na lahat ng Pilipino ay may morenong kutis, bilog ang mata, itim ang buhok, itsurang Malayo? Paano na tayo at ating mga kababayan nating pinanganak sa pamamagitan ng pangangagkapangaasawan ng mga Pilipino at dayuhang magulang/ninino, ng pinagmulang dayuhan at nailikas na mamayan at katutubong Pilipino, o ang mga pinagmulang-Pilipino na lumaki sa dayuhang kapaligirang sosyal/likas, kalinangan o kalagayan na may mga kakaibang taglay o sa pamamagitan ng ebolusyon, o genes mula sa kanilang mga dayuhang magulang at ninuno, o pagaangkop sa kapaligiran, ay nagbago ang mga taglay mula sa mga tampok na taglay ng kanilang mga magulang/ninuno? Matuturi pa rin ba silang mga Pilipino? Syempre, kahit sila man ay karamihan o kakontihan Sating inang-bayan, ang mga pangkat Pilipino sa iba-ibang lalawigan ng bansa ay may kanya-kanyang mga bukod na katangian. Ang mga bukod-tanging taglay nila'y may kahalagahang pagkakaiba sa kutis, texture, taas, bigat, tayo, istruktura at bugat ng buto atbp…

Karaniwang tanggapan talaga na ang Kayumanggi ay taong may itsurang Malay., ngunit kailangan natin mabatid na mayroon ibang tao na di-mukhang Pilipino ngunit Pilipino naman, lalu na sa panahong ngayong pagkaige ng halobilian ng sinu-sinong nagmula kunsansaang sulok ng daigdig. Kaya dapat bigyan ng mitagan at karangalan ang mga pangkat Pilipino nato, katulad sa kapalaran ng lahat ng Pilipino, totoong tulad natin, sila'y mga Kayumanggi, sila'y kapwa natin.


Sa libo-libong taon, ang Pilipinas naging kubol para sa daan-daang libong mga dayuhan ng iba't-ibang bansa at katutubo. Sya ay naging kabisera ng sari-saring etniko at kalinangang paninirahan at kung saan ang kalayaan ng demokrasya ng Katipunan ay unang natanyag sa Asya na umakit sa mga banyaga. Sa mga adlaw ngayon, di na matuturing makinang at mabantog na nakapapaghingang kubol, na Perlas ng Silanganan, hawig kinaturian noon. Ang Pilipinas bilang Pinangakong Bayan ay di na matindig na katotohanan. Ito'y kasi sa nagbabagong hikahos ng panahon, ng kagulohan at kalustayan ng politika at ekonomya, ng halaya at kapos-asiwa ng gobyerno sa pagpapalakad at pag-aabuso ng karamihan ng mga lakan at pinuno, at sa pagkatunga, pagkaatubili, pagkamangmang, at pagkasaradong-kalooban ng mga timawa mapuna na samasama'y, kaya nilang magtulongan at ipagana ang sistema ng lipunan. Ganun ma'y, Itingni na balang udto ang mga mabubuting ugali at kabaitan inihahati natin sa iba'y sasahod pabalik sa'tin, sa pukyotang tahanan ng Pilipinas, ipatuloy, magbigay kalayaan at katatagan sa mas rumarapat-dapat na mga tao. Ito'y nagyayari na.

Nang bukas na ating kalooban, ay mas-lirip na natin sating pagka-Kayumanggi, na humahambing sating pagka-Pilipino. Tayo'y Kayumanggi, isang pangkat na sari-saring uri ng Pilipino, nagtataglay ng iba't-ibang husay, galing, halina, at syasig, para ipalad sa daigdig. Tayo'y Pilipino, anak ng daigdig, tagapagmana ng daigdig. Ipagmalaki natin na tayo'y Kayumanggi, mga dakilang mamamayang Pilipino ng daigdig. Mabuhay!

Ang Aking Pagtatapos

Ma. Regina Mendoza


Simula na ng ensayo ng aming pagtatapos.Nakahanay...kahit sa kainitan...na minsan lang namin mararanasan''...Naiisip ko kapag nakatapos na ako lilisanin ko ang paaralang ito na apat na taon kong pinasukan.
marami akong maiiwan na alaala sa paaralang ito na hindi ko makakalimutan hanggang pagtanda ko.
Ang Saya...iyakan...kalungkutan...kapighatian...kalungkutan at tampuhan.Isa pa sa hindi ko makakalimutan ang maga linyang ''uy pengeng papel''' 'sana wala si ser o mam'' ''sana walang pasok'' mga linyang di mawawala sa katulad naming mga mag-aaral.

Bagamat masaya man ang lahat may kalungkutan din na hindi mawawala sa bawat isa.dahil ito rin ng magiging dahilan ng pag hihiwalay ng bawat isa...kamag aral na tinuring nanating pangalawang kapatid. Hindi dito natatapos ang karera ng buhay dahil pagkatapos nito ay tutungo tayo sa karera ng buhay ng buhay na mag isa nating haharapin..Alam kong marami akong haharaping pagsubok o problema na aking susubukang harapin .

Ngayon Maraming Salamat sa naging pangalawa naming magulang.Maraming salamat sa pag iintindi...pag tuturo...at walang sawang sumubaybay sa aming lahat guro Maraming Salamat...
At lubos din akong nagpapasalamat sa aking magulang dahi sa hindi nila pag sawang pagsoporta.Maraming salamat dahil kung hindi sa inyo wala ako ngayon.Maraming Salamat po.

Dalagang Ina

Sherry Rose Fuentes 

Simula ng isang mabigat na rensponsibilidad para sa mga kabataan maagang nagkaroon ng anak.Kung tutuusin masasabi natin na ang magkaroon ng sariling anak ay isang biyaya para sa atin ngunit ang magkaroon nito sa murang edad pa lamang.Hindi masasabi na mabuti ang maidudulot nito para sa mga kabataang ito.
Dahil sa panahon ngayon maraming kabataan ang nagiging mapusok..Sabagay dala na rin ito ng kanilang pagmamahalan para sa isat isa.... ngunit hindi rin masasabi na sila ay nagsisi sa kanilang kasalanan nagawa.. Ngunit hindi madali ang pagdadaanan ng mga kabataan ito..Mararanasan nila kung paano ang kutyain,maging sentro ng balita sa inyong baryo na para bana isa kayong malaking salot para sa kanila...Masakit para sa mga kabataan ito ang makaranas mga ganitong pangyayari..
Lalong lalo na kung wala sa iyong tabi ang iyong mga magulang..
Mararanasan niyo kung paano ang mag-alaga ng inyong sariling anak,gumising sa madaling araw upang ipagtimpla ng gatas na kanyang dededehen at ang maranasang mong sya ay ipaghele....
Hindi ito isang laruan na kapag pinagsawaan muna basta mu na lang iiwanan..
Kaya para sa mga kabataan na sinisikap na bigyan ng kanilang mga magulang ng magandang kinabukasan..
Ipagpatuloy niyo lang at sikapin niyo na matupad ang inyong mga pangarap......