Ang Kabataan sa Mata ng Mamamayan
ni Monaliza Matuguina
Ano nga ba ang kabataan sa mata ng mamamayan? Mga kabataang hindi nag- aaral? Mga kabataan na walang ginawa kundi magbulakbol at sumuway sa utos ng kanilang mga magulang? Mga kabataan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot? Kabataan sino ka pa ba sa mata ng mamamayan?
Itinuturing ng ating pambansang bayani na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit paano natin maituturing na tayong mga kabataan ang pag-asa kung hindi tayo nagiging magandang halimbawa para sa iba. Kung hindi man lamang tayo nagmamalasakit sa ating kapwa? Ngunit alam mo ba na bilang kabataan, malaki ang maiaambag mo sa pag-unlad ng bayan? Marami kang magagawa ngunit ayaw mo lang, marami kang mapapatunayan ngunit ayaw mo lang subukan. Wag mong sayangin ang oras at pagkakataon na marami kang magagawa dahil ang mga ito ay hindi na maibabalik pa.
Kaya kabataan, wag kang basta maupo lamang, wag kang magpatumpiktumpik pa, dahil ikaw kabataan sa mata ng mamamayan ikaw ay pag-asa ng ating bayan.
ganda nmn po bagay satin mga kabataan..ganda tlga avah....more power!!!!
TumugonBurahinNaaayon sa kabataang tulad ko ang talumpati. Na bilang kabataan alam mo kung sino ka sa mata ng mamamayan.Pero parang minadali yung talumpati.
TumugonBurahinSa kabataan maraming masasabing kamalian at kabutihan
TumugonBurahinpero sa totoo lang kailangan lang ng matinding atensyon ng magulang para mapunta sa mabuting kalagayan..
Nakarelate ako dun sa talumpati... ang ganda ng kahulugan...mukhang tinamaan pa ata ako...haha
TumugonBurahinwow, naman oh ...kaw ba gumawa nyan? ang gLing ah, naaayon sa mga kbataAn ngayon.. God bless!
TumugonBurahinAyus lang yung talumpati. Naaayon sa mga kabataan.gug luck.
TumugonBurahinnice..
TumugonBurahinmaganda ung talumpati..napapanahon..
TumugonBurahin