Mahirap at Mayaman
Benson Jay Cabreza
"Walang malaking nakakapuwing"
Madalas mo itong maririnig sa mga squatters area...ito ang sinasabi nila kapag sila ay natatapakan ng mas matataas na tao.
Ayoko na sanang makialam pa sa isyung ito ngunit sinasabi ng isip ko na ilabas ko ito. Bakit nga ba tila mabilis mapaikot ng may pera ang hustisya at pamahalaan.
Sa panahon ngayon ay kailangan na raw maging praktikal. Sa akin ay hindi, bakit ka magpapasilaw sa perang alam mo namang galing sa masasma at gagamitan pang muli sa kasakiman.
Kasakiman ng mga naghahangad ng posisyon sa pamahalaan ay laganap lalo na kung darating ang eleksyon, nariyan ang mga politikong naglalagay ng pera sa ilalim ng ipinamimigay na flyers. Akala ba nila ay porket mahihirap ang mga tao ay mabibili na nila ang boto nila?
Siguro sa ilang alanganin ang pamumuhay ay kakagat sa pakulo nilang ito, pero alam ko na may ilan pa ring matatag ang prinsipyo na hindi pumapayag sa ganitong klaseng anomalya.
Wag na sana nating hayaang malugmok tayo sa kumunoy ng kasakiman na mahihirapan tayong maka-alis. Sana ay kahit sa simpleng paraan ay makagawa tayo ng tama kahit na tayo ay kabataan pa lang. Sa tulong natin ay maaring marami ang sumunod at magpatuloy ng ating nasimulang adhikain.

12 Mga Komento:
maganda ang nagawa mong talumpati... hindi natin kailanga na magpaapi sa mga mayayaman na tao.. hindi lahat ng bagay ay mabibili gamit ang pera.. sana ay maisip nila ang kanilang mga pagkakamali upang hindi na magkagulo sa lipunan...
sana ay magustuhan mo ang aking nasabi tungkol sa iyong nagawang talumpati..
ang masasabi ko lang sa talumpati mo na maganda at tama ang iyong mga isinulat.Kapag ang mga mayayaman ang nakagawa ng kasalanan madali nilang napapaikot ang hustisya sa pamamagitan ng pera...maganda tlga...
nagustuhan ko ang iyong talumpati...
Pagdating naman sa sitwasyon na ang pagiging mahirap man o mayaman.parehas lang nman ng kinalalagyan,dahil sa mata ng Diyos wala nman mahirap at mayaman...hehehe
ayos lang...maganda yung nais iparating...
tamang tama ang sinasabi mo..... tungkol sa mayama at mahirap.... na ang mayaman ang siyang nasusunod lahat ng bagay na ang mahirap ang siyang sunod sunuran....lamang
alam m tma ang snbi m sa talumpati m....pero sana nga eh ndi k mtapobre tulad ng ibang tao jan...
nice speech
ang mahihirap ay minsan hndi pnakikinggan ng mga mayayaman dahil ang hustisya kyang byaran ng mayayaman sa pamamagitan ng knilang salapi..dapat ang hustisya hindi lmang sa mayayaman dapt pantay pantay lng.....
an lupet !!! nagustuhan ko an mga sinasabi mo, na ang hustisya hindi lamang para sa mayaman. dahil may karapatan din tayong mga mahihirap sa lipunan.
mganda ang nlalaman ng tlumpati mo stay good,,,,,,,,at pagpatuloy mo pa ang pagwa ng tlumpti
maganda sya.... sana gumawa ka pa ng iba..... ang ganda talaga.
magaling mahusay ikaw ay anak ng himagsikan ipaglaban mo ayon korina sanchez pinapasabi ni ted failon
Mag-post ng isang Komento
Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]
<< Home