Mga Talumpati mula sa Info.Tech I-A

Miyerkules, Setyembre 2, 2009

Ang Lahi Natin ay Kayumanggi
Jamaela Rose Oaferina

Noong una, ang Kayumanggi ay tawag sa kulay at texture ng mga Pilipino. Ngunit nang makaraan, tawag na rin ito sa lahi ng Pilipino, bilang isang lipunang pangkatang daigdig.

Ngunit, ano ba ang kulay at lahi ng Pilipino? Sya ba'y moreno, puti, itim, dilaw, o pula? Sya ba'y matangkad, pandak, pango, kawit o matangos ang ilong, singkit o maliit ang mata, mabalbon, ulandes, madilim, pulahing, diretso o kuloting buhok, o/at may mga pekas ang mukha? Sya ba'y nagtatagalog, nag-iInglis, nagtataglish, nagdidiyalekto, nagbabalbal? Sya ba'y Kristiyano, Bhuddhist o Pagano?

Ito ang mga tanong na sumisipot sa salitang 'kayumanggi' na palaging sinasabi o naririnig datapwa'y di palaging nalilirip o di malinaw, ngunit nababale-wala, nakakarimarim, o naaabuso sa paggamit. Tatalakayin natin ito para mas malinawan ang ating pag-unawa sa salitang humahaling sa'ting mga Pilipino bilang mahalagang pangkat na lipunan ng daigdig, para bigyan tayo ng bukas na kaloobang pagdama sa salitang Kayumanggi, at mas mabatid kung sino tayo at paano tayo kikilos para babagay sumaksi bilang mga Kayumanggi.

Ang karaniwang pinapahiwatig sa'tin ng pambansang sistemang paaral at ng madlang lipunang Pilipino ang Kayumanggi ay kilala sa morenong kulay ng lahing Pilipino, na nalalapit-hawig sa mga taga-Malaysya. Pero masasabi ba nito na lahat ng Pilipino ay may morenong kutis, bilog ang mata, itim ang buhok, itsurang Malayo? Paano na tayo at ating mga kababayan nating pinanganak sa pamamagitan ng pangangagkapangaasawan ng mga Pilipino at dayuhang magulang/ninino, ng pinagmulang dayuhan at nailikas na mamayan at katutubong Pilipino, o ang mga pinagmulang-Pilipino na lumaki sa dayuhang kapaligirang sosyal/likas, kalinangan o kalagayan na may mga kakaibang taglay o sa pamamagitan ng ebolusyon, o genes mula sa kanilang mga dayuhang magulang at ninuno, o pagaangkop sa kapaligiran, ay nagbago ang mga taglay mula sa mga tampok na taglay ng kanilang mga magulang/ninuno? Matuturi pa rin ba silang mga Pilipino? Syempre, kahit sila man ay karamihan o kakontihan Sating inang-bayan, ang mga pangkat Pilipino sa iba-ibang lalawigan ng bansa ay may kanya-kanyang mga bukod na katangian. Ang mga bukod-tanging taglay nila'y may kahalagahang pagkakaiba sa kutis, texture, taas, bigat, tayo, istruktura at bugat ng buto atbp…

Karaniwang tanggapan talaga na ang Kayumanggi ay taong may itsurang Malay., ngunit kailangan natin mabatid na mayroon ibang tao na di-mukhang Pilipino ngunit Pilipino naman, lalu na sa panahong ngayong pagkaige ng halobilian ng sinu-sinong nagmula kunsansaang sulok ng daigdig. Kaya dapat bigyan ng mitagan at karangalan ang mga pangkat Pilipino nato, katulad sa kapalaran ng lahat ng Pilipino, totoong tulad natin, sila'y mga Kayumanggi, sila'y kapwa natin.


Sa libo-libong taon, ang Pilipinas naging kubol para sa daan-daang libong mga dayuhan ng iba't-ibang bansa at katutubo. Sya ay naging kabisera ng sari-saring etniko at kalinangang paninirahan at kung saan ang kalayaan ng demokrasya ng Katipunan ay unang natanyag sa Asya na umakit sa mga banyaga. Sa mga adlaw ngayon, di na matuturing makinang at mabantog na nakapapaghingang kubol, na Perlas ng Silanganan, hawig kinaturian noon. Ang Pilipinas bilang Pinangakong Bayan ay di na matindig na katotohanan. Ito'y kasi sa nagbabagong hikahos ng panahon, ng kagulohan at kalustayan ng politika at ekonomya, ng halaya at kapos-asiwa ng gobyerno sa pagpapalakad at pag-aabuso ng karamihan ng mga lakan at pinuno, at sa pagkatunga, pagkaatubili, pagkamangmang, at pagkasaradong-kalooban ng mga timawa mapuna na samasama'y, kaya nilang magtulongan at ipagana ang sistema ng lipunan. Ganun ma'y, Itingni na balang udto ang mga mabubuting ugali at kabaitan inihahati natin sa iba'y sasahod pabalik sa'tin, sa pukyotang tahanan ng Pilipinas, ipatuloy, magbigay kalayaan at katatagan sa mas rumarapat-dapat na mga tao. Ito'y nagyayari na.

Nang bukas na ating kalooban, ay mas-lirip na natin sating pagka-Kayumanggi, na humahambing sating pagka-Pilipino. Tayo'y Kayumanggi, isang pangkat na sari-saring uri ng Pilipino, nagtataglay ng iba't-ibang husay, galing, halina, at syasig, para ipalad sa daigdig. Tayo'y Pilipino, anak ng daigdig, tagapagmana ng daigdig. Ipagmalaki natin na tayo'y Kayumanggi, mga dakilang mamamayang Pilipino ng daigdig. Mabuhay!

10 Mga Komento:

Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

ganda tlga ng talumpati mo...sana makagawa ka pa ng mas marami...para mkapukaw ka pa ng damdamin ng iba at magsilbing inspirasyon...hahaha....galing tlga....

Setyembre 8, 2009 nang 1:26 AM  
Ayon kay Anonymous mark nikko...

alin ka ba sa mga texture ng mga pinoy ha neh..??

hmmff ang galing mo naman gumawa ng talumpati...

cge un lang....

Setyembre 13, 2009 nang 7:58 PM  
Ayon kay Blogger tristan jerimia...

ganda ng talumpati m...!sana mkgawa k p ng mas mdmi p at sana ndi lng tungkol sa ating kulay!!!kip up d gud work......

Setyembre 13, 2009 nang 8:00 PM  
Ayon kay Anonymous Arnold M. Matuling...

your right dude!! because kayumagi is kindfull and hondsome.. at maraming mga nagagawa ang mga filipinong kayunggi..

Setyembre 13, 2009 nang 8:02 PM  
Ayon kay Blogger mhamen...

ang haba pero maganda...galing ng talumpati...

Setyembre 13, 2009 nang 8:10 PM  
Ayon kay Anonymous Arthur Punzalan...

maganda nga ang talumpati mo....nagiging pride mo ang pagiging pilipino

Setyembre 13, 2009 nang 8:15 PM  
Ayon kay Blogger seashore...

ang pagiging kayumanggi ng ating balat ang pagkakakilala ng ating bansa..

Setyembre 13, 2009 nang 8:16 PM  
Ayon kay Anonymous Mylene Capitan...

ang pagiging pilipino ay dapat nga nating ipagmalaki sa isip sa salita at sa gawa...hindi tayo sinuwerte sa ekonomiya pero maari tayong maging masuwerte sa pagiging pil;ipino natin

Setyembre 13, 2009 nang 8:17 PM  
Ayon kay Anonymous Allan Cayetano...

sana ay madiskubre ka upang maging mas mahusay pa sa paggawa ng talumpati para sa mga pilipino

Setyembre 13, 2009 nang 8:18 PM  
Ayon kay Anonymous Arkey Largazo...

magandang talumpati ang nagawa mo...pagbutihin mo pa

Setyembre 13, 2009 nang 8:20 PM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home