Mga Talumpati mula sa Info.Tech I-A

Martes, Setyembre 1, 2009

Kaibigan
Rachelle Pamatmat

"Ang kaibigan ay hindi yung taong kausap mo araw-araw, o kasama mo lagi-lagi. Ang kaibigan ay yung taong nagparamdam sayo, kahit isang sandali, na walang problema sa mundo, na kumpleto na ng iyong buhay, at pwede ka nang mamatay at maglaho, dahil nakaramdam ka na ng kasiyahang di mapantayan kahit langit."

Madalas ko itong marinig sa mga matatanda. Sa kaibigan raw kasi masasalamin ang pagkatao mo. Sa uri at ugali ng kaibigan mo.Lagi kaming nagkakatampuhan ng kaibigan ko dahil lang sa pagkikita namin na madalas ma reset kesa matuloy.Sa isandaang kaibigan ko ay iilan lamang ang tootong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin, karamihan sa kanila ay kaibigan ko lang pagdating sa kaligayahan at nalisan kapag ako na ang nangangailangan ng tulong nila. Kunwariy wala sila, may ginagawang importante. Bakit? Hindi ba ko importante? Sa palagay ko ngay hindi pero nagpapasalamat ako at may natitira pa rin na tunay ang pakikipagkaibigan sa akin, sabi nga nila ay mas tatatag pa daw ito pagdating ng marami pang taon.Pero ano ba ang pagkakaiba ng tunay na kaibigan sa kaibigan?

Ang tunay na kaibigan ay hindi nangangako na hindi ka iiwan pero nandiyan iyan. Ang kaibigan ay mahilig mangako ngunit lagi iyang napapako.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka ilalaglag kahit hirap sila. Ang kaibigan kapag nalamang umaangat ka ay hindi ka na kilala.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka sasamahan kapag may kasama ka, sila ang lalapit kapag mag-isa ka na. Ang kaibigan lumalapit lang para sa tingin ng iba ay kaibigan mo sya.

Ang tunay na kaibigan ay sasaluhin ka kapag babagsak ka. Ang kaibigan kapag bumagsak ka tatawanan ka pa.

Ang tunay na kaibigan hanggang sa huli nandiyan iyan. Ang kaibigan hanggang umpisa lang.

Ang tunay na kaibigan ay hindi malalapitan at matatakbuhan, bagkus sila ang lalapit kapag nangangailangan ka. Ang kaibigan tutulungan ka kapag may nakatingin na iba, pero kapag kayong dalawa na lang, “Bahala ka na”.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka pinupuri. Ang kaibigan pinupuri ka kapag nakaharap ka lang. Ang tunay na kaibigan ay pinakikinggan ka ng tahimik. Ang kaibigan pag nakinig, lahat makakaalam.

Ang tunay na kaibigan ay hindi binibilang kung gaano kadami ang kaibigan. Ang kaibigan pinipili kung sino ang sasamahan.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ginagamit ang pagkakaibigan kapag gipit na. Ang kaibigan nagiging kaibigan kapag hihingi ng pabor.

Ang tunay na kaibigan ay pinupuna ang iyong kamalian. Ang kaibigan kapag may mali ka walang iyang pakialam.

Ang tunay na kaibigan nagsasabihan ng problema kapag may alitan. Ang kaibigan kapag kinausap mo hindi ka papansinin.


Ang tunay na kaibigan kahit magkalayo kayo ay hindi ka kakalimutan. Ang kaibigan kapag malayo ka na hindi ka na kilala.


Ang tunay na kaibigan nagpapahalaga. Ang kaibigan walang pakialam.

Salamat sa ating mga tunay na kaibigan, Oo, mahirap magpasalamt sa kanila.

13 Mga Komento:

Ayon kay Blogger JanVier...

hmmmmmmmmm...


ang haba......



hmmmm.... mdjo mkaka relate aku jan...




marami din nman akong mga kaibigan ih....




xepre kasama n kau dun...



heheheh...



maganda din ung kay doremi...



nkakahiya lang mgcomment..


bka mgalit un.... pag kng anu anu mga cnabe ko dun..



kaya sa inyo na lang..


hahahaha....

Setyembre 2, 2009 nang 6:40 AM  
Ayon kay Blogger JanVier...

maganda din ung sau...



pero mas maganda ung ky doremi...


^_^

Setyembre 2, 2009 nang 6:41 AM  
Ayon kay Blogger mhamen...

ang ganda naman nakarelate ako dun sa kaibigan ko..hehe..

Setyembre 13, 2009 nang 7:30 PM  
Ayon kay Anonymous angel cruz...

tma ang tunay na kaibgan dpat wlang iwanan dpat lging nagtutulngan........

Setyembre 13, 2009 nang 8:04 PM  
Ayon kay Blogger seashore...

Sa panahon natin ngayon laging lalapitan ay ang isang tunay na kaibigan...

Setyembre 13, 2009 nang 8:09 PM  
Ayon kay Anonymous shyree lee...

tama ka !! ganda ng talumpati mo huh!

hmm, ang tunay na kaibigan hindi ka dadalin sa kasamaan...oh maling gawain....!!!

Setyembre 13, 2009 nang 8:13 PM  
Ayon kay Blogger tristan jerimia...

tama k sa snbi n ndi porke kausap m eh kaibigan m n agad...dpat ay kilalanin m din mna sya pra mtwag m syang kaibigan...!!!ingt lng po sa pag pili hah...

Setyembre 13, 2009 nang 8:16 PM  
Ayon kay Anonymous Madelene Baldovino...

bravo!! gling, haha! nkakarelate ako..

nakakamiz ung mga friends q.. hehe!

kc tunay clang mga kaibigan..

parang ikaw.. haha!




geh, ingatz lgi..

Setyembre 14, 2009 nang 6:29 PM  
Ayon kay Anonymous Carlo Olinas...

wow, ganda naman!!!!!!!!!!!!!!!!

ganyn dn kmi ng mga frendz q minsan...

e cnu nga b ang tunay nting kaibigan?
ung nanjan lang pg kailangan ka...

haaisst... wahehe!

Setyembre 14, 2009 nang 6:34 PM  
Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

yeah! nKkaiyak,wehehe jowk
kelat kpa nging manunulat huh??

by the way,maganda sya..

pero ito tatandaan mo,di lahat ng kaibigan mo totoo,minsan kaibigan ka lang nila dahil meh kailangan sila sau

pero ako tunay mu akong kaibigan,dahil meh kailangan ka sken ee
hahahaha..

goodluck sa iyong pagaaral,mwah nasnip


-cRoXxX

Setyembre 15, 2009 nang 12:55 AM  
Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

nakz,maganda ang pagkakasulat mu

gusto ko sya kase madim akong Friendz..

nKkuha ako ng mraming kaalaman mula sau!

hihih..

Setyembre 15, 2009 nang 1:01 AM  
Ayon kay Anonymous Roxanne Meras...

baket mu naicip ang topic na yan?
la kbang friends,hehe

gusto mu lang malaman ang kahulugan nito?
i see.. ilibre muq at malalaman mu ang sagot,haha

Setyembre 15, 2009 nang 1:16 AM  
Ayon kay Anonymous Danielyn Ignaco...

nakz,meh future ka pong writer..
hahaha

Setyembre 15, 2009 nang 1:17 AM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home