Mga Talumpati mula sa Info.Tech I-A

Miyerkules, Setyembre 2, 2009

Ang Simple nating Pamumuhay
Loudette Gamos

Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon, hindi ko alam kung paano ko sisimulan, marami na kasing problema ang bansa. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin, pero mas gusto kong magpokus sa buhay natin. Sa atin mismong simpleng pamumuhay.


Napagtanto ko kasi sa aking sarili na kinakailangan palang malagay sa alanganin ang
buhay mo upang kilalanin kang pinakamahusay. Ang nananalo sa paligsahan kadalasan
ay ‘yong mga taong nagbabakasakali kahit ang kapalit nito’y buhay at pagkatao. Ang
madalas matalo sa labanang ito ay ‘yong mga taong walang tiyaga at madalas ay
tumatangging tumayo sa malambot at mainam na kinalalagyan.

Gusto kong sabihin sa inyo, na ang buong kahulugan ng ating pagtitiis ay mauuwi pa
rin sa pagdadalamhati, na ang lahat nating pinagpaguran ay mawawala at malilimutan. Dapat
din nating malaman na ang tagisan ng talino ay isang magandang halimbawa upang makaiwas
tayo sa kahirapan ng buhay. Dahil sa kakulangan nito kung kaya’t marami ang taong nahihirapan
at namumulubi.

Ang isang pagkakamali ay agad nangangahulugan ng isang malaking trahedya sa buhay . . . na
higit pa sa inarugang-sarili ang masasaktan. Sapagkat may mga katotohanang hindi naaangkop
sa mamamayan ni sa panahon. Kapag ang lahat naman ng kasaganaan sa buhay ay natapos na,
ang mga duwag ay agad nakaiisip ng kamatayan samantalang umuusbong pa lang ang buhay sa
mga matatapang. Maraming taong hindi kayang tumayo sa gitna ng pagkatalo, halos itago nila
ang kanilang mga mukha sa kahihiyan, pagkabigo at pagkakamali.

8 Mga Komento:

Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

ganda tlga ng talumpati mo...sana makagawa ka pa ng mas marami...para mkapukaw ka pa ng damdamin ng iba at magsilbing inspirasyon...hahaha....

Setyembre 8, 2009 nang 1:37 AM  
Ayon kay Blogger ronnel...

...pagpatuloy muh lng,,sana mkagawa ka ng marami,..godblez..

Setyembre 10, 2009 nang 7:28 PM  
Ayon kay Blogger tristan jerimia...

ganda ng gnwa m hah...!!!sna nga lng eh lhat ng tao ay may simpleng pamumuhay...!!!

Setyembre 13, 2009 nang 7:51 PM  
Ayon kay Blogger seashore...

marami ng nagbabago ng ating pamumuhay mula sa mahirap papunta sa mayaman..

Setyembre 13, 2009 nang 7:58 PM  
Ayon kay Blogger roseanne...

simpleng pamumuhay kay gandang paking gan...kay ganda ng talumpati mo,....

Setyembre 13, 2009 nang 8:11 PM  
Ayon kay Blogger mhamen...

kahit mahirap masaya pa rin..maganda ang iyong talumpati...

Setyembre 13, 2009 nang 8:16 PM  
Ayon kay Blogger jessie...

ang galingh mo!!!!!!

Setyembre 13, 2009 nang 8:17 PM  
Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

ang ganda naman ng gawa mo

Setyembre 13, 2009 nang 8:19 PM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home