Mga Talumpati mula sa Info.Tech I-A

Miyerkules, Setyembre 2, 2009

center;">Sa darating na eleksyon sa taong 2010


JOHN REGINALD A. BONDAD



Mga minamahal kong kababayan, sa darating na Mayo 10, 2010 ay gaganapin ang halalan para sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador, mga Congressman, mga Gobernador at Pangalawang Gobernador at Pangalawang Gobernador, mga Kagawad ng Sangguniang Panlalawigan, mg Punong Bayan at Pangalawang Punong Bayan at mga Kagawad ng Sangguniang Bayan.

Ang araw na ito ay mahalaga sa bawat isang mamamayang Pilipino, sapagka’t ang nakasalalay rito ay ang kinabukasan ng ating bansa lalo’t higit ang kapakanan ng susunod na saling lahi.

Dahil ditto, kailangan maging maingat, mapanuri, mapag-matyag sa pagpili ng mga pinuno na ihahalal natin sa nasabing halalan. Naririyan ang mga nagsasabing sila raw ang tunay na Lingkod Bayan, na magbibigay ng kapayapaan, kasaganaan, katahimikan para sa ating bansa at mga mamamayan.

Alamin nating mabuti ang kanilang mga katangian, karanasan, lalo’t higit ang kanilang pamilyang pinagmulan. Alamin din natin ang kanilang nakaraan, sapagka’t, yaon ang tunay na uri ng kanilang pagkatao na daglian nilang binabago kapag humaharap sa bayan. Nakikiusap na iboto at gumagawa at nagsasabi ng mga pangakong hindi naman tinutupad kapag hawak na nila ang lakas at kapangyarihan na nanggagaling sa taong bayan.

Nais ko ring ipaalala sa inyong lahat na ang tungkulin ng isang mamamayan ay hindi nagtatapos sa pagboto lamang sa panahon ng halalan. Kailangan nating bantayan at subaybayan ang mga prosesong ginaganap sa mga presinto sa mga minisipyo at mga probinsiya upang ang tunay na tinig at lakas ng taong bayan ang siyang mangibabaw sa darating na halalan.

Nais ko ring tawagin ang inyong pansin, na kailangang tayo ay magka-isa para sa malinis, mapayapa, matapat at kapanipaniwalang resulta ng gaganaping halalan sa Mayo 10, 2010.

Marami pong salamat at paghandaan po natin ang pinakadakilang pangyayaring magaganap na magbibigay ng pantay-pantay na karapatan sa mahirap o mayaman ang HALALAN sa Mayo 10, 2010.

12 Mga Komento:

Ayon kay Blogger Aubrey Anne...

Sa Darating na Election by: John Reginald A. Bondad

Sa panahon ngayon, kung saan mabilis dumadaan ang bawat araw at oras hindi n nakakapagtaka na ang bawat kabataan kahit na mga nakakatanda ay hindi na pinagtutuunan ang pulitika...bakit p? sapagkat sa paulit ulit na kasawian ng bawat Pilipino sa pagpili ng mga nararapat, ang bawat pinuno n sinuwerte upang malukluk noon nakaraang election ay natukso sa tawag ng kapangyarihan at kagahaman sa kayamanan.

Dadapwa't ganun man, hindi parin dapat mawalan ng pag-asa ang bawat isa, nakaktuwang isipin na may mga kabataan n kagaya ninyo na nag sisilbing kurot sa damdamin at paalala na ang responsibilidad ang bawat isa sa atin at hindi nawawala kagaya ng pag-asa at pagmamahal na kaloob ng ating Panginoong Maykapal na tayo bilang mga anak niya ay makakamit ang lahat ng naisin, sa pamamagitan ng Pananampalataya....Ang pagiging responsable sa tamang pag kilala sa taong nararapat na iluklok at ang pagiging kaisa sa pagmamatyag ng proseso ng halalan at tawag sa bawat isa sa atin ng bagong pag-asa, bagong laban na naaayon sa ating Pananampalataya...

Maraming Salamat sa paalala....


Aubrey Anne M. Alcazar

Setyembre 2, 2009 nang 5:42 PM  
Ayon kay Blogger Azil Chantalle...

Tama hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Masayang malaman na mayroong pang mga kabataan na ganito ang pananaw sa pulitika. Naipapakita ang malasakit at pagmamahal sa bayan. Responsableng mamamayan ay marunong magpahalaga sa mga nangyayari sa paligid natin.

Setyembre 3, 2009 nang 7:32 PM  
Ayon kay Blogger meanntot...

Sa darating na halalan kailngan nating suriin kung sinu ang karapat dapat,hindi kung sino ang mas kilala kung di ang nararapat na mamuno. Pahalagahan natin ang bawat boto natin wag nating sayangin at ipagbili dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan pti narin ang susunod na hinirasyon. Magmasid tayo maging matalino at wag magpapadala sa mga tukso. Bumoto tayo ng walang halong daya , maging tapat tayo.!

Setyembre 3, 2009 nang 8:13 PM  
Ayon kay Blogger shen...

Salamat sa paalala sa bawat isa..Dapat tayong pumili ng ating iboboto hnd dhil xa ay mayaman o alta sa siyudad,kailangan nating pinumo ay yun my takot sa diyos,malasakit sa kapwa, hnd kurakot at yun ating maaasahan sa ating bansa.Maging matalino tayo sa pagbili ng ating mga iboboto dahil dyan nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa..tayo mismo!!!!

Setyembre 3, 2009 nang 10:02 PM  
Ayon kay Blogger paulsky...

Malaki ang hamon ng sinumang susunod na pinakamataas na pinuno ng ating bayan sa kabi-kabilang batikos na kinakaharap ng ating kasalukuyang Presidente. Ang paglilinis ng imahe ng pamahalaan sa ating lipunan ang syang pinakamalaking dagok na dapat kaharapin ng sinumang papalaring maluklok sa Malakanyang. Ngunit kung ating susuriin, hindi sa isang indibidwal nakasalalay ang paglutas sa problemang ito. Tayo, o mas maaari nating sabihing ang mga lihitimong mamayang magpapahayag ng kanilang karapatan sa pagpili ng lider ang siyang responsable sa pagsagot sa hamong ito.

At kayong mga kabataan, higit sa sino pa man, ang mas may karapatan at pagkakataong makapili sa susunod na lider ng ating bansa. Kayo ang mas makikinabang sa lahat ng bagay na maihahatid ng pamahalaan. Pinatunayan na ng ilan sa ating mga bayani na ang boses ng kabataan ay matibay na sandata upang gisingin ang natutulog na damdamin ng pamahalaan sa ibat ibang isyung panglipunan. Ang halalang ito ay mainam na simula sa panahong ito upang ayusin ang bulok na sistema ng gobyerno. Huwag tayong panawan ng pag asa at maging negatibo na ang Pilipinas ay di na kaylan pa man makadarama ng pag asa, bagkus lagi nating isipin ang kahalagahan nating bilang tanging bansang Kristiyano sa Asya, na ang Diyos higit sa lahat, ay patuloy na nagbibgay ng pag asa sa ating bayan.

Setyembre 4, 2009 nang 12:31 AM  
Ayon kay Blogger Qatari...

Sa darating na eleksiyon isa lang ang hiling ko. Nawa ang palarin na manalo sa pwesto ay ang taong may takot sa Diyos at hindi yong mga nangagaral ng salita ng Diyos.

Marami ang nangangarap na maupo sa pwesto, na hindi natin alam kung ano ba talaga ang hangarin nila. Kapangyarihan ba o ang tunay na hangaring makapaglingkod ng tapat sa ating bayan. Noong isang araw lang sa isang talakayan, napag usapan namin kung sino ba ang karapat dapat at sino ba ang hindi.

Nagkaroon kami ng kani-kaniyang pagsisiyasat na sa tingin ko ay hindi parin sapat. Dahil kung sino man ang maluklok sa kanila hindi parin natin sila lubos na kilala.

Isa lang ang maimumungkahi ko, maging dilat nawa tayo sa katotohanan. Huwag sana tayong pumili ng demonyo na kahalintulad ng nakaupo ngayon sa mataas na posisyon ng ating bansa.

Huwag tayong padadala sa mga pagpapacute nila sa TV,sa mga slogan nila na kinakasangkapan tayong mahihirap. Saan sila kumukuha ng pera? sa buwis na dapat tayo ang nakikinabang?Sariling pera daw nila yun sabi ng iba.. BALIW ba sila? Hindi tayo tanga. Ngayon iboboto pa ba natin ang mga nangagarap na sa simula palang iniisahan na tayo?

Nasa iyo na kapatid ang pagpapasya.

Setyembre 4, 2009 nang 3:50 AM  
Ayon kay Blogger mhillette...

wow ganda naman ng talumpati mo...kaw ba yan huh...ganda tlga makabagbag damdamin nman un ahhh...!!!

Setyembre 8, 2009 nang 1:20 AM  
Ayon kay Blogger mhillette...

ang ganda...kaloka ka nman avah....grabe pwede ka na mging magaling na mgtatalumpati...hahaha...........!!!!

Setyembre 8, 2009 nang 1:21 AM  
Ayon kay Blogger dustin vier...

sa darating na eleksiyon...dapat nga natin na isipin kung sino ba dapat ang ating iboboto na magiging maunlad at masagana ang ating bansa...

huwag natin hayaan na bumoto tayo dahil sa tayo ay binayaran...bumoto tayo para sa ikauunlad natin..

Setyembre 11, 2009 nang 4:59 PM  
Ayon kay Blogger makarguilles...

yan sakto! 10 na...

Setyembre 13, 2009 nang 7:46 PM  
Ayon kay Blogger seashore...

Sa totoo lang marami na ang nagtatanung kung ano ba talaga ang tunay na isang lider..maganda ang gustong ipahiwatig..

Setyembre 13, 2009 nang 7:47 PM  
Ayon kay Anonymous patrick c. alonalon...

wow!! may balak ka palang tumakbo bilang pres. sana mag-tagumpay ka sa pinapangarap mo.^^ pero bago mo gawin yan ay magtapos ka muna..

Setyembre 13, 2009 nang 7:59 PM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home