Mga Talumpati mula sa Info.Tech I-A

Martes, Setyembre 1, 2009

Ang Kabataan sa Mata ng Mamamayan

Ang Kabataan sa Mata ng Mamamayan
ni Monaliza Matuguina
Ano nga ba ang kabataan sa mata ng mamamayan? Mga kabataang hindi nag- aaral? Mga kabataan na walang ginawa kundi magbulakbol at sumuway sa utos ng kanilang mga magulang? Mga kabataan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot? Kabataan sino ka pa ba sa mata ng mamamayan?
Itinuturing ng ating pambansang bayani na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit paano natin maituturing na tayong mga kabataan ang pag-asa kung hindi tayo nagiging magandang halimbawa para sa iba. Kung hindi man lamang tayo nagmamalasakit sa ating kapwa? Ngunit alam mo ba na bilang kabataan, malaki ang maiaambag mo sa pag-unlad ng bayan? Marami kang magagawa ngunit ayaw mo lang, marami kang mapapatunayan ngunit ayaw mo lang subukan. Wag mong sayangin ang oras at pagkakataon na marami kang magagawa dahil ang mga ito ay hindi na maibabalik pa.
Kaya kabataan, wag kang basta maupo lamang, wag kang magpatumpiktumpik pa, dahil ikaw kabataan sa mata ng mamamayan ikaw ay pag-asa ng ating bayan.

8 Mga Komento:

Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

ganda nmn po bagay satin mga kabataan..ganda tlga avah....more power!!!!

Setyembre 10, 2009 nang 7:27 PM  
Ayon kay Blogger mhel...

Naaayon sa kabataang tulad ko ang talumpati. Na bilang kabataan alam mo kung sino ka sa mata ng mamamayan.Pero parang minadali yung talumpati.

Setyembre 10, 2009 nang 7:41 PM  
Ayon kay Blogger seashore...

Sa kabataan maraming masasabing kamalian at kabutihan
pero sa totoo lang kailangan lang ng matinding atensyon ng magulang para mapunta sa mabuting kalagayan..

Setyembre 10, 2009 nang 9:34 PM  
Ayon kay Blogger micah...

Nakarelate ako dun sa talumpati... ang ganda ng kahulugan...mukhang tinamaan pa ata ako...haha

Setyembre 11, 2009 nang 1:36 AM  
Ayon kay Blogger Info. Tech 1-A...

wow, naman oh ...kaw ba gumawa nyan? ang gLing ah, naaayon sa mga kbataAn ngayon.. God bless!

Setyembre 12, 2009 nang 4:15 AM  
Ayon kay Blogger mhamen...

Ayus lang yung talumpati. Naaayon sa mga kabataan.gug luck.

Setyembre 13, 2009 nang 7:24 PM  
Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

nice..

Hunyo 18, 2010 nang 11:59 PM  
Ayon kay Anonymous jhemma...

maganda ung talumpati..napapanahon..

Hunyo 19, 2010 nang 12:04 AM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home