Mga Talumpati mula sa Info.Tech I-A

Miyerkules, Setyembre 2, 2009

Ang mga Kabataan ni Fatima Grace Fernandez

Ang mga kabataan nga ba ang pag-asa ng ating bayan?Marami ang nagsasabi na tayong mga kabataan ang pag-asa para sa ikauunlad ng ating bayan.Mayroon nagsasabi na tayong mga kabataan ang susi sa magandang kinabukasan at pagkakaisa ng ating bayan.Ngunit,bakit ngayon ay parang nag-iiba na ang tingin sa atin ng mga matatanda?Sinasabi na ng marami na tayo ang kasiraan ng bayan,bagama't maraming kabataan ngayon ang naiimpluwensyahan ng masasamang gawain tulad ng paggamit ng bawal na gamot,hindi pagpasok sa paaralan,pagrerebelde at maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.May pag-asa pa ba upang magbago ang mga kabataan naligaw ng landas?Marami pang pagkakataon upang mapagbago ang mga kabattan kailangan lang ng sapat na pagpapaalala ng kanilang mga magulang,pag-aalaga at pagbibigay ng buong pagmamahal,sa mga paraang ito mapagbabago ang mag kabataan at matatawag na muli tayong pag-asa ng ating bayan,susi sa kinabukasan.Ito lamang po ang aking masasabi tungkol sa mga kabataan ngayon.Maraming Salamat!

2 Mga Komento:

Ayon kay Blogger mhamen...

maganda ang nais iparating... naaayon sa mga kabayaan...

Setyembre 13, 2009 nang 7:43 PM  
Ayon kay Blogger seashore...

Ang kabataan ang Pag asa ng bayan? ano ba talaga ang ibig sabihin nito?. makikita mo ung dito sa talumpating ito,

Setyembre 13, 2009 nang 8:00 PM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home