Mga Talumpati mula sa Info.Tech I-A

Sabado, Setyembre 5, 2009

Mga Magulang bayaning Maituturing

Gail Tolentino
"Nang isilang ka sa mundong ito laking tuwa nang magulang mo"
Isang kanta,ngunit may malalim na kahulugan.Tunay ngang masasabing isang magandang biyaya para sa mga magulang ang magkaroon ng isang anak.Pero ikaw?.... tanungin at suriin ang iyong sarili..masasabi mo bang biyaya kang maituturing ng iyong mga magulang?..
Malaki ang utang na loob nating mga anak sa ating mga magulang lalo na sa itinuturing nating ilaw nang ating tahanan.....ang ating ina o nanay sa tawag nang karamihan.Walang kahit anong bagay dito sa mundo ang maitutumbas natin sa sakit na naramdaman ng ating nanay ng tayo'y ilabas nila sa kanilang sinapupunan.Napakaraming hirap at sakit ang dinanas ng ating mga magulang mapalaki lang tayo at mabigyan nang magandang kinabukasan.lagi nila tayong binubusog sa kanilang mga pagmamahal at pangaral na masasabi kong magagamit nang bawat isang anak sa mga buhay na gusto nating tahakin.
Masasabi ko bilang isang anak,na ang lahat ng mga magulang ay maituturing na isang tunay at kakaibang bayani.Kakaibang bayani sapagkat walang nakakaalam kung hanggang saan ang kayang gawin ng mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak,may mga magulang na alam ko at sigurado akong handang ibuwis ang kanilang mga sariling mga buhay para lang sa kanilang mga anak.
Maswerte ang mga anak na hanggang ngayon ay kapiling pa ang kanilang mga magulang dahil mayroon pa silang oras kung paano nila maipapakita sa kanilang mga magulang ang kahalagahan at pagmamahal nila sa mga ito. At sa mga anak na hindi na nila kapiling ang kanilang mga magulang hayaan ninyong tulungan ang iyong mga sarili upang tuparin ang mga pangarap sa inyo nang iyong mga magulang.

11 Mga Komento:

Ayon kay Blogger angel cruz...

,...........ang drama mo nman hehehe ang cute ng tlmpati moh.....

Setyembre 10, 2009 ng 9:19 PM  
Ayon kay Blogger tristan jerimia...

huhuhu...kaiyak nman ng gnwa mng talumpati ha..,cgro mahal m tlga ang mga mglang m....!!!

Setyembre 10, 2009 ng 9:22 PM  
Ayon kay Blogger ronnel...

...galing naman...good job..
godblezzz

Setyembre 10, 2009 ng 9:27 PM  
Ayon kay Blogger seashore...

pagdating sa mga magulang marami ang nagbabalewala lang sa kanilang pagmamahal, pero kahit ilang beses man magkamali ang anak pinapatawad pa rin ng mga magulang...

Setyembre 10, 2009 ng 9:37 PM  
Ayon kay Blogger dustin vier...

ang ganda ng talumpati mo...pamagat pa lang alam muna na maganda ang nilalaman nito....

totoo yan ang magulang ang bayani ng ating buhay,sila ang gumagaby sa atin...

magnda sya...gudluck

Setyembre 11, 2009 ng 4:54 PM  
Ayon kay Blogger makarguilles...

dagdag comment din toh...

Setyembre 13, 2009 ng 7:38 PM  
Ayon kay Blogger roseanne...

ganda naman ng iyong talumpati............kip up the gud work nice one,,.,

Setyembre 13, 2009 ng 7:50 PM  
Ayon kay Anonymous Antonio L. Manotto...

Ang ganda ng gawa mo pero may kunting mga hindi maintindihan sa mga sinsabi mo^^
preo magaling,, ok na rin yun..

Setyembre 13, 2009 ng 8:10 PM  
Ayon kay Anonymous moymoy...

magaling wala akong masabi.....

Setyembre 13, 2009 ng 8:15 PM  
Ayon kay Anonymous janice...

wow nice,,,,,

galing ng gawa


mong talumpati,,,,,,,

Setyembre 13, 2009 ng 8:17 PM  
Ayon kay Blogger Tiradauno...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Mayo 20, 2014 ng 7:14 PM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home