Lipunan ni Juan Dela Cruz
Aaronne Ace A. Acosta
“Sino nga ba si Juan?”. Ito ang palaging tanong sa akin ng aking bunsong kapatid sa tuwing maririnig nya ang pangalang ito sa balita, sa radio, o kahit sa simpleng usapan ng matatanda. Sinasabi ko na lang sa kanya na kung ang mga Amerikano ay may Uncle Sam, tayo naming mga Pilipino ay may Juan Dela Cruz. Tunay ngang dala ng pangalang ito ang dugo nating mga Pilipino. Ilan na ba ang Pilipinong nakilala sa ibang bansa dahil sa angkin nilang galling at talento?, pero teka, bakit sa ibang bansa?
Tayong mga Pilipino ang tunay na may colonial mentality o kung sasabihin sa mas madaling paraan ay ang pagtangkilik sa produkto, kabihasnan, at kultura ng ibang bansa.Ilan sa mga ito ay anng mga kaugaliang tila nakakaklimutan na ng kabataan ng ngayon tulad ng pagsasabi ng Po at Opo at ang pagmamano. Iilan na lang ba ang nakakaalaa sa kaugaliang ito? At ang huling huli ay ang “Brain Drain” na talagang laganap na sa kabataan ngayon. Iniisip nila nag magandang kinabukasan na naghihintay sa kanila sa Amerika, mas gugustuhin nilang manatili doon kaysa sa dito sa Pilipinas. Totoo, may pagkukulang tayo, bulok ang sistema ng pamahalaan, korupsyon, bagsak ang ekonomiya at marami pang iba. Madalas na walang pondo ang pamahalaan upang tustusan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Patatagalin pa ba natin ito? Bakit hindi natin subukang kumilos? Ako mismo ay naghahangad ng pagbabago dahil gusto kong ipagmalaki sa mundo na Pilipino ako. Kailangan nating burahin ang masamang imahae ni Juan na minsan nang nabansagang tamad.
Kailangan na nating gumising, bumangon at simulan ang pagbabago. Simulan natin ito sa sarili natin.
Mga etiketa: talumpati