Mga Talumpati mula sa Info.Tech I-A

Martes, Setyembre 8, 2009

Lipunan ni Juan Dela Cruz

Aaronne Ace A. Acosta

“Sino nga ba si Juan?”. Ito ang palaging tanong sa akin ng aking bunsong kapatid sa tuwing maririnig nya ang pangalang ito sa balita, sa radio, o kahit sa simpleng usapan ng matatanda. Sinasabi ko na lang sa kanya na kung ang mga Amerikano ay may Uncle Sam, tayo naming mga Pilipino ay may Juan Dela Cruz. Tunay ngang dala ng pangalang ito ang dugo nating mga Pilipino. Ilan na ba ang Pilipinong nakilala sa ibang bansa dahil sa angkin nilang galling at talento?, pero teka, bakit sa ibang bansa?

Tayong mga Pilipino ang tunay na may colonial mentality o kung sasabihin sa mas madaling paraan ay ang pagtangkilik sa produkto, kabihasnan, at kultura ng ibang bansa.Ilan sa mga ito ay anng mga kaugaliang tila nakakaklimutan na ng kabataan ng ngayon tulad ng pagsasabi ng Po at Opo at ang pagmamano. Iilan na lang ba ang nakakaalaa sa kaugaliang ito? At ang huling huli ay ang “Brain Drain” na talagang laganap na sa kabataan ngayon. Iniisip nila nag magandang kinabukasan na naghihintay sa kanila sa Amerika, mas gugustuhin nilang manatili doon kaysa sa dito sa Pilipinas. Totoo, may pagkukulang tayo, bulok ang sistema ng pamahalaan, korupsyon, bagsak ang ekonomiya at marami pang iba. Madalas na walang pondo ang pamahalaan upang tustusan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Patatagalin pa ba natin ito? Bakit hindi natin subukang kumilos? Ako mismo ay naghahangad ng pagbabago dahil gusto kong ipagmalaki sa mundo na Pilipino ako. Kailangan nating burahin ang masamang imahae ni Juan na minsan nang nabansagang tamad.

Kailangan na nating gumising, bumangon at simulan ang pagbabago. Simulan natin ito sa sarili natin.

Mga etiketa:

Lunes, Setyembre 7, 2009

“ Ang Pagmamahal ”

 

Suzanne Ruiz C.



Noong natutunan kong magmahal sa isang tao ng buong
puso ko. Pero dumating sa pagkakataong ako ay napagod na hindi
dahil sa pagmamahal kundi sinakripisyo ko ang lahat ng meron ako.

 

Nung aking na pagisipan. Binigay ko ang lahat pero ang
natanggap ako ay wala kundi sakit at pag durusa. Ang binalik niya sa
akin.

 
Dumating na sa sandaling siya ay aking minahal ito ay katapusan
na para patunayan ko na minahal ko talaga siya.

 
Na gising ako sa katotohanan na hindi pala dapat sa kanya
ang tunay na pagmamahal na inubos ko ang panahon at ang oras. Na
meron dapat akong pag ukulan ng aking atensyon at panahon.


Ito pala ay aking sarili at ang aking pamilya at mga kaibigan
na nakaligtaan kong bigyan ng kaukulang pagmamahal.



O ito ba ay senyales na ang ibig sabihin ay tama na. At ibigin
ko na lang ang aking sarili.

Sabado, Setyembre 5, 2009

Mga Magulang bayaning Maituturing

Gail Tolentino
"Nang isilang ka sa mundong ito laking tuwa nang magulang mo"
Isang kanta,ngunit may malalim na kahulugan.Tunay ngang masasabing isang magandang biyaya para sa mga magulang ang magkaroon ng isang anak.Pero ikaw?.... tanungin at suriin ang iyong sarili..masasabi mo bang biyaya kang maituturing ng iyong mga magulang?..
Malaki ang utang na loob nating mga anak sa ating mga magulang lalo na sa itinuturing nating ilaw nang ating tahanan.....ang ating ina o nanay sa tawag nang karamihan.Walang kahit anong bagay dito sa mundo ang maitutumbas natin sa sakit na naramdaman ng ating nanay ng tayo'y ilabas nila sa kanilang sinapupunan.Napakaraming hirap at sakit ang dinanas ng ating mga magulang mapalaki lang tayo at mabigyan nang magandang kinabukasan.lagi nila tayong binubusog sa kanilang mga pagmamahal at pangaral na masasabi kong magagamit nang bawat isang anak sa mga buhay na gusto nating tahakin.
Masasabi ko bilang isang anak,na ang lahat ng mga magulang ay maituturing na isang tunay at kakaibang bayani.Kakaibang bayani sapagkat walang nakakaalam kung hanggang saan ang kayang gawin ng mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak,may mga magulang na alam ko at sigurado akong handang ibuwis ang kanilang mga sariling mga buhay para lang sa kanilang mga anak.
Maswerte ang mga anak na hanggang ngayon ay kapiling pa ang kanilang mga magulang dahil mayroon pa silang oras kung paano nila maipapakita sa kanilang mga magulang ang kahalagahan at pagmamahal nila sa mga ito. At sa mga anak na hindi na nila kapiling ang kanilang mga magulang hayaan ninyong tulungan ang iyong mga sarili upang tuparin ang mga pangarap sa inyo nang iyong mga magulang.

Miyerkules, Setyembre 2, 2009

Pamilya ni Jobelle N. Trinidad

Ano nga ba ang ibig sabihin ng pamilya?
Para sa akin,ang pamilya ay isang napakahalagang parte ng ating buhay. Dito nagsimula ang lahat ng ating kaalaman sa simula't simula. Si nanay at tatay ang gumagabay at nagtuturo ng magandang asal, si ate at kuya ang karamay sa away man o kasiyahan. Sa loob ng bahay mararamdaman mo ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya, dahil ang isang pamilya ay may pagtutulungan at pagkakaisa sa oras na kailangan mo sila.
May dumarating na pagsubok sa isang pamilya ngunit malalampasan lahat basta't magkakasama,hindi sa lahat ng oras ay masaya. Minsan ay may lungkot na nadarama dahil sa madaming kadahilanan lalo na pag walang pera. Mahirap man o mayaman, basta kumpleto ang pamilya ay ayos na.

Lipunan ni jizelle lopez

Anu na nga ba ang kalagayan ng ating lipunan?
Sa panahon natin ngayon,ang ating bayan ay nahaharap sa mga matitinding krisis at kahirapan tungkol sa iba't ibang aspeto ng ating ekonomiya. Hindi malulutas ito kung walang pagkakaisa ang bawat mamamayan.Ang bawat isa ay nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa daing ng mamamayan tungo sa pagbabago.
Ngayong nalalapit na ang eleksyon,ay maramdaman man lang sana ng mga tatakbong pangulo ang hirap at pasakit ng ating mga kababayan dahil sa pagtaas ng mga bilihin,mga taong walang trabaho,hindi sapat na sweldo at ang iba't ibang problema ng ating ekonomiya.
Hindi natin dapat pairalin ang katamaran,pagiging sakim at hindi tamang pagtrato sa mga hindi nakakaangat sa buhay. Ang nararapat nating gawin ay magtulungan at magkaintindihan tungo sa maayos at masaganang bansa.

Kabataan Pag-asa ng Bayan

Marami ngayon ang dumating na sa kanilang pagiging kabataan.Mayroon tayong kasabihan na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.Pero totoo nga ba ito kung marami na sa kabataan ang naliligaw ng landas.Halimbawa na dito ang mga kalalakihang nalululong sa droga at sa masasamang bisyo at mga kababaihang maagang nagbubuntis.Nandito ang iba't ibang paraan upang matugunan ang ganitong uri ng sitwasyon.Sa tulong na din nating mga kabataan.Una,magkaroon ng mabuting samahan ng pagkakaibigan.Pangalawa,unahin muna ang pag-aaral at mga dapat gawin kaysa unahin pa ang masasamang gawain.At ang pangatlo,magbulay-bulay ng mga bagay-bagay sa inyong paligid lalo na't hingil sa kalayaan,katahimikan at kaunlaran ng bayan.Kaya umaasa ang marami na ang kabataan ang pag-asa ng bayan,ang kabataan din ang nagsisilbing susisa magandang kinabukasan.

Kahirapan sa Lipunan

 Rea S. Laureaga

 Sa panahon ngayon marami na ang naghihirap,dahil sa kawalan ng pinansyal,kakulangan ng makakain at kawalan ng hanapbuhay.Maraming kabataan din ang natututong magnakaw dahil sa kahirapan.Marami na din sa atin ang naninirahan na lamang sa tabi ng kalye at sa ilalim ng tulay.

Sa ngayon marami na din sa atin ang walang trabaho,dahil sa hindi nakapag-aral at kawalan ng pinansyal para sa pag-aaral.Marami din ang kabataan na nagugutom.Ngunit,ano ang ginagawa ng kanilang mga magulang?Ang iba'y inuubos ang pera sa pagsusugal.Kaya dapat tayong magsumikap at magkaroon ng pagkakaisa para sa ikauunlad ng ating lipunan at para sa magandang kinabukasan sa ating bayan.

Ang mga Kabataan ni Fatima Grace Fernandez

Ang mga kabataan nga ba ang pag-asa ng ating bayan?Marami ang nagsasabi na tayong mga kabataan ang pag-asa para sa ikauunlad ng ating bayan.Mayroon nagsasabi na tayong mga kabataan ang susi sa magandang kinabukasan at pagkakaisa ng ating bayan.Ngunit,bakit ngayon ay parang nag-iiba na ang tingin sa atin ng mga matatanda?Sinasabi na ng marami na tayo ang kasiraan ng bayan,bagama't maraming kabataan ngayon ang naiimpluwensyahan ng masasamang gawain tulad ng paggamit ng bawal na gamot,hindi pagpasok sa paaralan,pagrerebelde at maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.May pag-asa pa ba upang magbago ang mga kabataan naligaw ng landas?Marami pang pagkakataon upang mapagbago ang mga kabattan kailangan lang ng sapat na pagpapaalala ng kanilang mga magulang,pag-aalaga at pagbibigay ng buong pagmamahal,sa mga paraang ito mapagbabago ang mag kabataan at matatawag na muli tayong pag-asa ng ating bayan,susi sa kinabukasan.Ito lamang po ang aking masasabi tungkol sa mga kabataan ngayon.Maraming Salamat!

center;">Sa darating na eleksyon sa taong 2010


JOHN REGINALD A. BONDAD



Mga minamahal kong kababayan, sa darating na Mayo 10, 2010 ay gaganapin ang halalan para sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Senador, mga Congressman, mga Gobernador at Pangalawang Gobernador at Pangalawang Gobernador, mga Kagawad ng Sangguniang Panlalawigan, mg Punong Bayan at Pangalawang Punong Bayan at mga Kagawad ng Sangguniang Bayan.

Ang araw na ito ay mahalaga sa bawat isang mamamayang Pilipino, sapagka’t ang nakasalalay rito ay ang kinabukasan ng ating bansa lalo’t higit ang kapakanan ng susunod na saling lahi.

Dahil ditto, kailangan maging maingat, mapanuri, mapag-matyag sa pagpili ng mga pinuno na ihahalal natin sa nasabing halalan. Naririyan ang mga nagsasabing sila raw ang tunay na Lingkod Bayan, na magbibigay ng kapayapaan, kasaganaan, katahimikan para sa ating bansa at mga mamamayan.

Alamin nating mabuti ang kanilang mga katangian, karanasan, lalo’t higit ang kanilang pamilyang pinagmulan. Alamin din natin ang kanilang nakaraan, sapagka’t, yaon ang tunay na uri ng kanilang pagkatao na daglian nilang binabago kapag humaharap sa bayan. Nakikiusap na iboto at gumagawa at nagsasabi ng mga pangakong hindi naman tinutupad kapag hawak na nila ang lakas at kapangyarihan na nanggagaling sa taong bayan.

Nais ko ring ipaalala sa inyong lahat na ang tungkulin ng isang mamamayan ay hindi nagtatapos sa pagboto lamang sa panahon ng halalan. Kailangan nating bantayan at subaybayan ang mga prosesong ginaganap sa mga presinto sa mga minisipyo at mga probinsiya upang ang tunay na tinig at lakas ng taong bayan ang siyang mangibabaw sa darating na halalan.

Nais ko ring tawagin ang inyong pansin, na kailangang tayo ay magka-isa para sa malinis, mapayapa, matapat at kapanipaniwalang resulta ng gaganaping halalan sa Mayo 10, 2010.

Marami pong salamat at paghandaan po natin ang pinakadakilang pangyayaring magaganap na magbibigay ng pantay-pantay na karapatan sa mahirap o mayaman ang HALALAN sa Mayo 10, 2010.

Ang Alaala ng ating Nakaraan

Zyrene Ramos


Naiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw, nagtataka lang ako sa mga tao sa tuwing pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan.
Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan mga bagay, mga pinalampas na pagkakataon o oras.

Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao, kaylan ka pa bang huling umakyat ng bubong para matulog o para magpahangin, huling humiga sa isang mahabang bangko at tumingala lamang sa langit habang pinagmamasdan ang mga ulap, ang huling beses na naligo ka sa ulan o nagtampisaw sa baha, kaylan ka huling naupo sa tabi ng kalsada habang katabi ang iyong mga kaibigan. Kaylan kayo huling kumain ng mami sa kanto ng magkakasama, yung huling beses na dinalaw mo ang iyong elementary school o high school, kaylan ka ulit bumalik sa dati nyong tambayan at nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa, kaylan ka huling naglaro ng teks. Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba ang pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay nagagawa nya?

Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? totoo nga bang habang tumatanda ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan sa mga munting bagay. Gaano na nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo ngayon o pakiramdam mo lamang ay malaki ito. Nakalimutan na ba nga tao ang mga kaligayahang inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng maliliit na mundo sa gitna nang napakalaking mundong ito,.

Naniniwala lamang ako na ang mundo ang syang umiiwan sa kalikasan pero kaylan man ay hindi iiwan ng kalikasan ang mundo.

Ang Simple nating Pamumuhay
Loudette Gamos

Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko ngayon, hindi ko alam kung paano ko sisimulan, marami na kasing problema ang bansa. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin, pero mas gusto kong magpokus sa buhay natin. Sa atin mismong simpleng pamumuhay.


Napagtanto ko kasi sa aking sarili na kinakailangan palang malagay sa alanganin ang
buhay mo upang kilalanin kang pinakamahusay. Ang nananalo sa paligsahan kadalasan
ay ‘yong mga taong nagbabakasakali kahit ang kapalit nito’y buhay at pagkatao. Ang
madalas matalo sa labanang ito ay ‘yong mga taong walang tiyaga at madalas ay
tumatangging tumayo sa malambot at mainam na kinalalagyan.

Gusto kong sabihin sa inyo, na ang buong kahulugan ng ating pagtitiis ay mauuwi pa
rin sa pagdadalamhati, na ang lahat nating pinagpaguran ay mawawala at malilimutan. Dapat
din nating malaman na ang tagisan ng talino ay isang magandang halimbawa upang makaiwas
tayo sa kahirapan ng buhay. Dahil sa kakulangan nito kung kaya’t marami ang taong nahihirapan
at namumulubi.

Ang isang pagkakamali ay agad nangangahulugan ng isang malaking trahedya sa buhay . . . na
higit pa sa inarugang-sarili ang masasaktan. Sapagkat may mga katotohanang hindi naaangkop
sa mamamayan ni sa panahon. Kapag ang lahat naman ng kasaganaan sa buhay ay natapos na,
ang mga duwag ay agad nakaiisip ng kamatayan samantalang umuusbong pa lang ang buhay sa
mga matatapang. Maraming taong hindi kayang tumayo sa gitna ng pagkatalo, halos itago nila
ang kanilang mga mukha sa kahihiyan, pagkabigo at pagkakamali.

Ang Lahi Natin ay Kayumanggi
Jamaela Rose Oaferina

Noong una, ang Kayumanggi ay tawag sa kulay at texture ng mga Pilipino. Ngunit nang makaraan, tawag na rin ito sa lahi ng Pilipino, bilang isang lipunang pangkatang daigdig.

Ngunit, ano ba ang kulay at lahi ng Pilipino? Sya ba'y moreno, puti, itim, dilaw, o pula? Sya ba'y matangkad, pandak, pango, kawit o matangos ang ilong, singkit o maliit ang mata, mabalbon, ulandes, madilim, pulahing, diretso o kuloting buhok, o/at may mga pekas ang mukha? Sya ba'y nagtatagalog, nag-iInglis, nagtataglish, nagdidiyalekto, nagbabalbal? Sya ba'y Kristiyano, Bhuddhist o Pagano?

Ito ang mga tanong na sumisipot sa salitang 'kayumanggi' na palaging sinasabi o naririnig datapwa'y di palaging nalilirip o di malinaw, ngunit nababale-wala, nakakarimarim, o naaabuso sa paggamit. Tatalakayin natin ito para mas malinawan ang ating pag-unawa sa salitang humahaling sa'ting mga Pilipino bilang mahalagang pangkat na lipunan ng daigdig, para bigyan tayo ng bukas na kaloobang pagdama sa salitang Kayumanggi, at mas mabatid kung sino tayo at paano tayo kikilos para babagay sumaksi bilang mga Kayumanggi.

Ang karaniwang pinapahiwatig sa'tin ng pambansang sistemang paaral at ng madlang lipunang Pilipino ang Kayumanggi ay kilala sa morenong kulay ng lahing Pilipino, na nalalapit-hawig sa mga taga-Malaysya. Pero masasabi ba nito na lahat ng Pilipino ay may morenong kutis, bilog ang mata, itim ang buhok, itsurang Malayo? Paano na tayo at ating mga kababayan nating pinanganak sa pamamagitan ng pangangagkapangaasawan ng mga Pilipino at dayuhang magulang/ninino, ng pinagmulang dayuhan at nailikas na mamayan at katutubong Pilipino, o ang mga pinagmulang-Pilipino na lumaki sa dayuhang kapaligirang sosyal/likas, kalinangan o kalagayan na may mga kakaibang taglay o sa pamamagitan ng ebolusyon, o genes mula sa kanilang mga dayuhang magulang at ninuno, o pagaangkop sa kapaligiran, ay nagbago ang mga taglay mula sa mga tampok na taglay ng kanilang mga magulang/ninuno? Matuturi pa rin ba silang mga Pilipino? Syempre, kahit sila man ay karamihan o kakontihan Sating inang-bayan, ang mga pangkat Pilipino sa iba-ibang lalawigan ng bansa ay may kanya-kanyang mga bukod na katangian. Ang mga bukod-tanging taglay nila'y may kahalagahang pagkakaiba sa kutis, texture, taas, bigat, tayo, istruktura at bugat ng buto atbp…

Karaniwang tanggapan talaga na ang Kayumanggi ay taong may itsurang Malay., ngunit kailangan natin mabatid na mayroon ibang tao na di-mukhang Pilipino ngunit Pilipino naman, lalu na sa panahong ngayong pagkaige ng halobilian ng sinu-sinong nagmula kunsansaang sulok ng daigdig. Kaya dapat bigyan ng mitagan at karangalan ang mga pangkat Pilipino nato, katulad sa kapalaran ng lahat ng Pilipino, totoong tulad natin, sila'y mga Kayumanggi, sila'y kapwa natin.


Sa libo-libong taon, ang Pilipinas naging kubol para sa daan-daang libong mga dayuhan ng iba't-ibang bansa at katutubo. Sya ay naging kabisera ng sari-saring etniko at kalinangang paninirahan at kung saan ang kalayaan ng demokrasya ng Katipunan ay unang natanyag sa Asya na umakit sa mga banyaga. Sa mga adlaw ngayon, di na matuturing makinang at mabantog na nakapapaghingang kubol, na Perlas ng Silanganan, hawig kinaturian noon. Ang Pilipinas bilang Pinangakong Bayan ay di na matindig na katotohanan. Ito'y kasi sa nagbabagong hikahos ng panahon, ng kagulohan at kalustayan ng politika at ekonomya, ng halaya at kapos-asiwa ng gobyerno sa pagpapalakad at pag-aabuso ng karamihan ng mga lakan at pinuno, at sa pagkatunga, pagkaatubili, pagkamangmang, at pagkasaradong-kalooban ng mga timawa mapuna na samasama'y, kaya nilang magtulongan at ipagana ang sistema ng lipunan. Ganun ma'y, Itingni na balang udto ang mga mabubuting ugali at kabaitan inihahati natin sa iba'y sasahod pabalik sa'tin, sa pukyotang tahanan ng Pilipinas, ipatuloy, magbigay kalayaan at katatagan sa mas rumarapat-dapat na mga tao. Ito'y nagyayari na.

Nang bukas na ating kalooban, ay mas-lirip na natin sating pagka-Kayumanggi, na humahambing sating pagka-Pilipino. Tayo'y Kayumanggi, isang pangkat na sari-saring uri ng Pilipino, nagtataglay ng iba't-ibang husay, galing, halina, at syasig, para ipalad sa daigdig. Tayo'y Pilipino, anak ng daigdig, tagapagmana ng daigdig. Ipagmalaki natin na tayo'y Kayumanggi, mga dakilang mamamayang Pilipino ng daigdig. Mabuhay!

Ang Aking Pagtatapos

Ma. Regina Mendoza


Simula na ng ensayo ng aming pagtatapos.Nakahanay...kahit sa kainitan...na minsan lang namin mararanasan''...Naiisip ko kapag nakatapos na ako lilisanin ko ang paaralang ito na apat na taon kong pinasukan.
marami akong maiiwan na alaala sa paaralang ito na hindi ko makakalimutan hanggang pagtanda ko.
Ang Saya...iyakan...kalungkutan...kapighatian...kalungkutan at tampuhan.Isa pa sa hindi ko makakalimutan ang maga linyang ''uy pengeng papel''' 'sana wala si ser o mam'' ''sana walang pasok'' mga linyang di mawawala sa katulad naming mga mag-aaral.

Bagamat masaya man ang lahat may kalungkutan din na hindi mawawala sa bawat isa.dahil ito rin ng magiging dahilan ng pag hihiwalay ng bawat isa...kamag aral na tinuring nanating pangalawang kapatid. Hindi dito natatapos ang karera ng buhay dahil pagkatapos nito ay tutungo tayo sa karera ng buhay ng buhay na mag isa nating haharapin..Alam kong marami akong haharaping pagsubok o problema na aking susubukang harapin .

Ngayon Maraming Salamat sa naging pangalawa naming magulang.Maraming salamat sa pag iintindi...pag tuturo...at walang sawang sumubaybay sa aming lahat guro Maraming Salamat...
At lubos din akong nagpapasalamat sa aking magulang dahi sa hindi nila pag sawang pagsoporta.Maraming salamat dahil kung hindi sa inyo wala ako ngayon.Maraming Salamat po.

Dalagang Ina

Sherry Rose Fuentes 

Simula ng isang mabigat na rensponsibilidad para sa mga kabataan maagang nagkaroon ng anak.Kung tutuusin masasabi natin na ang magkaroon ng sariling anak ay isang biyaya para sa atin ngunit ang magkaroon nito sa murang edad pa lamang.Hindi masasabi na mabuti ang maidudulot nito para sa mga kabataang ito.
Dahil sa panahon ngayon maraming kabataan ang nagiging mapusok..Sabagay dala na rin ito ng kanilang pagmamahalan para sa isat isa.... ngunit hindi rin masasabi na sila ay nagsisi sa kanilang kasalanan nagawa.. Ngunit hindi madali ang pagdadaanan ng mga kabataan ito..Mararanasan nila kung paano ang kutyain,maging sentro ng balita sa inyong baryo na para bana isa kayong malaking salot para sa kanila...Masakit para sa mga kabataan ito ang makaranas mga ganitong pangyayari..
Lalong lalo na kung wala sa iyong tabi ang iyong mga magulang..
Mararanasan niyo kung paano ang mag-alaga ng inyong sariling anak,gumising sa madaling araw upang ipagtimpla ng gatas na kanyang dededehen at ang maranasang mong sya ay ipaghele....
Hindi ito isang laruan na kapag pinagsawaan muna basta mu na lang iiwanan..
Kaya para sa mga kabataan na sinisikap na bigyan ng kanilang mga magulang ng magandang kinabukasan..
Ipagpatuloy niyo lang at sikapin niyo na matupad ang inyong mga pangarap......

Tagumpay
Jefferson Castillio

maraming naging saksi sa bunga ng tagumpay ni Jose Rizal.'' kaya sa mata ng marami Siya ang pambansang bayani.

Dahil nakipaglaban siya sa pamamagitan ng pag-sulat lamang at ipinadakip ng mga kastila si Jose Rizal ayon ang kinatakot ng mga dayuhan.kahit napatay si Jose RIZAL marami paring sumunod sa kanyang yapak sa pakikipaglaban sa mga kastila at hanggang makamit ng mga pilipino ang tagumpay sa mga dayuhan.

Ang Buhay Estudyante

Soledad, Errika Jane D.

Ang Buhay Estudyante( sa kolehiyo)Ang hirap mag-aral kung tutuusin, mahirap pag may oras na kapos sa pera, mahirap pag nag sabay-sabay ang mga gagawing proyekto, takdang aralin, mga report, atbp. Pagkatapos non, mppressure kapa sa pagrereview para sa mga major exams! Di'ko na tuloy alam kung ano ang uunahin sa dami ng ginagawa namin sa araw-araw. Kung minsan, sasabayan pa ng mga di inaasahang problema...pero sabi ng marami, masarap daw ang maging estudyante,pero sa aking palagay ay hindi din naman,pa minsan minsan lang,nagiging masarap lang naman yan dahil sa araw-araw din tayong may baong pera! Nakakapamasyal, nakakagimik, pero paminsan minsan lang naman,kung baga, gasino nalang yong konting pagliliwaliw, pagkatapos bumuhos ang sandamukal na project at mahihirap na exams. Ang sarap lang talaga pag natapos mo ng matiwasay ang mga pinaghirapan...paulit-ulit na proseso. Biruin mo, apat na taon ako magiging ganito? Kung iisipin ko palang, nakakapang lumo na...pero,di'ko nalang yun iisipin, ganon lang talaga siguro. Kung minsan nga,naiisip ko, hindi lang pala puro leksyon ang matutunan sa araw-araw n pag-pasok ntin sa ating unibersidad, huhubugin din pala nila ang mga ugali natin, mga gawaing hindi na dapat ginagawa ng isang kolehiyala. Dito ko natutunan ang matinding disiplina sa sarili, pagiging wais sa pag hahati-hati ng oras, pakikipag kaibigan, pakikisama at kung anu-ano pang mabubuting naidulot sakin. Hindi madali ang buhay, pro kung may determinasyon, pagsisikap at magiging masipag tayong mga estudyante,kayang kaya natin! mahirap pero masaya naman ang pag aaral di'ba?! Dahil sa huli, kame,tayo din naman ang makikinabang ng lahat ng ito. Mapapa sa atin din balang araw ang Diploma na magpapatunay na isa na tayong edukado at edukada.

Ang sarap lang din sa pakiramdam na alam kong sa bawat tagumpay na nakakamit ko ay mas may higit na natutuwa para sa akin...walang iba kundi ang aking MAGULANG. Ang magulang ko na kasama ko sa lahat ng bagay, problema man o kung anu pa, ang magulang ko na walang sawang sumusuporta at gumagabay...ang ATING MGA MAGULANG na walang ibang hiniling kundi ang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan!

Martes, Setyembre 1, 2009

Sino ako 10 taon makalipas?

ni Jeffrey Malabanan


Sino ako sampung taon mula ngayon? Simulan muna natin noong bata pa ako, pinangarap ko talagang maging isang nars. Bakit? Isang simpleng dahilan lang naman ito, dahil gusto kong makatulong sa ibang tao, mahirap man o mayaman. Gusto ko silang tulungan lalong lalo na ang mga malulubha na ang kapansanan. Lalo na ang mga taong sumasabak sa giyera para protektahan ang sariling bansa nila. Ang mga ito ay ang mga ginagawa nga isang nars, tumutulong sa kanyang kapwa. Pero, noon yon dahil habang tumatanda na ako iba na ang mga nahihiligan ko. Pero, sino nga ba ako sampung taong magmula ngayon? Sampung taon magmula ngayon, gusto kong maging isang Accountant, bukod sa tinutulungan ko ang mga tao sa kanilang kalakal, tinutulungan ko na rin ang aking sarili para maging maganda ang aking kinabukasan. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong maging isang Accountant ay dahil gusto ko ang araling math, isa ito sa mga paborito kong aralin. At marami din akong pagkakataon na makakakuha ako agad ng trabaho. Kaya tandaan niyo, na sampung taon magmula ngayon, isa na akong Accountant.

barkada

ANU NGA BA ANG BARKADA?BARKADA AY KASAMA MO KAHIT SAAN MAGING SA HIRAP O GINHAWA MAN.SILA ANG IYONG MASASANDALAN SA ORAS NG KALUNGKUTAN.SILA DIN ANG ANG MAKAKASAMA MO SA KALOKOHAN.SILA DIN ANG MAKAKATULONG MO KAPAG MAY PROBLEMA.

ANG BARKADA AY TUNAY KUNG SILA AY NAANJAN KAPG IYONG KAILANGAN.BARKADA AY KASAMA NA SA YUGTO NG BUHAY NG ISANG TAO.AT BARKADA ANG TAGAPAWI NG IYONG LUMBAY.ISANG YAKAG LANG SA INUMAN PROBLEMA NG ISA AY NAWAWALA.KUNG MINSAN MERON MANG TAMPUHAN BALE WALA YUN.DAHIL ANG BARKADA NAGTATAGAL KAHIT KAILAN.MAG KALAYO MAN AY NANATILING NG TUTULUNGAN.

HANGANG DITO NA LANG,PERO BAGO ANG LAHAT MY NAIS LANG AKONG IPABATID.Barkada Ang isang Regalo ng may Kapal At Dapat Alagaan.

BARKADA NI LaurenZ Olea

Opinyon ko sa kabataan ngayong henerasyon
John Mark Arguilles
"Iba na talaga ang kabataan ngayon" isa yan sa mga salita na lagi nating maririnig sa ating mga lola't lolo.
Sa aking palagay tama nga sila dahil marami na tayong makikitang kabataan ngayon na hindi gumagalang sa mga matatanda at halos lahat ng resulta sa mga serbey tongkol sa kabataan ay mataas ang porsyento ng kabataan na nagiging krimanal at gumagamit ng bawal na gamot.
Kaya bilang isang kabataan ngayong henerasyon huwag nating sayangin ang buhay na binigay sa atin ng diyos sa halip tayo ang magsikap upang tayo ay umunlad pati na rin ang ating pinakamamahal na bansa.

TAGUMPAY

ni MArk Nikko A Deopante



Masaya ang pagkakaroon ng kaibigan. Sabi nga nila malungkot ang buhay pag walang kaibigan. Madalas tayong nakakahanap ng mga kaibigan sa ating paaralan. Dito natin nakilala ang isa’t isa, dito natin nakilala ang ating tunay na kaibigan, yung mga taong madalas nating kasama at sa ating pagtanda patuloy pa rin natin silang makakasama.

Masaya ako pag binabalikan ko ang nakaraang taon naming sa PGMNHS. Ito ang pinakamasayang taon sa aking buhay,dahil dito nabuo ang aming pagkakaibigan na aking mga kaklase apti na rin yung dalawang malapit na kaibigan ko. Mahalaga sila sa akin dahil isa sila dahil nabuo ang aking pagkatao.

Maraming nangyari sa amin noong 4th year pa kami masaya ang naging fieldtrip naming mga masayang kwentuhan habang papunta kami. Mga katatawanan naming lahat.

May mga pangyayaring napapagalitan kami ng aming guro tulad nalang ng aming adviser na si Mrs. Montejo, napapagalitan kami dahil sa aming kaguluhan at pag minsan dahil makalat ang aming classroom..

Umiikot lang naman ang araw araw na buhay ko noon sa eskwelahan kaunting libot sa mall.

At eto na ang huling taon ko ng hayskul, dahil dito nakasalalay ang aking pagtatapos.. sa unang araw ng aking pagpasok marami ang aking kinatatakutan kung maayos ba ang aking magiging adviser, mga kaklase ko at magiging masaya ba ang aking 4th year hiskul.

Sa aking unang araw masaya akong pumasok sa aming paaralan, ngunit inisip ko na may biglang mangyaring hindi maganda, ngunit hanggang matapos eto naging masaya ang araw ko. Naalala ko nung 3rd year ko pag Intrams naming may isang laro akong pinakagusto yun ang word factory ngunit lagi akong talo pag try out kaya naisip ko nalang maglaro ng scidamath kc nung elementary palang ako nilalaro ko na ito, at madalas kong kalaban ang aking kapatid pag nageensayo ako… at pag minsan sumasali rin ako ng mga sayaw , yung para bang dance performance.

At ito nga sinali nila ako ngunit hindi sa sayaw sinali nila ako bilang lakambini noong nakaraang agosto, hindi ko nga sila maintindihan ehh.. kasi hindi naman talaga ako sumasali sa mga ganyan. Ni hindi ko nga alam maglakad ng maayos sa entablado. Sabi kasi nila bagay na bagay daw ako para don.. Kaya napapayag nila ako at dumating ang araw na iyon kabadong kabado ako dahil unang pagkakataon kong umakyat sa entablado at makita ng maraming tao. Ngunit inisip ko nalang na karangalan ng aming seksyon sa pagsali ko rito kaya nagawa ko ng maganda kaya maganda rin ang kinalabasan. Nanalo ako sa pagkakataon na ito.

Naisip kong maging paka sa sa talumpati ko ang nangyaring iyon dahil nagbigay ito ng inspirasyon para sa akin na magtagumpay sa lahat ng bagay kapag iniisip ko ito nakakaya kong gawin ang mga bagay na hindi magawa, at sa pagkakataon naisip ko iyon nagtatagumpay ako. Nakakaya ko dahil sa aking kagustuhan na magawa ito ng maganda.

Maraming salamat sa mga taong tumulong sa akin upang magbigay ng lakas at suporta na magawa ko ang mga ito. Lalo na sa Kanya na lagging andiyan sa kahit anong panahon, laging kaagapay ko. Sa aking mga magulang na sumuporta sa akin …

Maraming salamat at sanay nakapagbigay ako ng inspirasyon sa inyo, sa aking mga taga-pakinig. At makaya niyo rin harapin ang bukas tungo sa tagumpay.

Kabataan Susi Sa Pag-angat Nitong Bayan
ni Caselyn Joy Zara

Tayong mga kabataan ang sinasabing susi sa pag-angat ng ating bayan.
Sa atin nakikita ang tagumpay at pagbabago ng ating bansa.
Sa isang banda tama sila!
Dahil tayo ang kabataan na nahubog sa magandang asal at kagawian.
Pero paano nga ba?
Paano nga ba mangyayari ang pag babago sa ating mga kabataan kung
ang mga kamalian na nila ang nakagisnan natin.
Sa aking pananaw ay dapat lamang na mag mula ang unang pag babago
sa mas nakakatanda sa atin upang magabayan tayo ng wasto at maitama
ang mga pag kakamali natin.
Sa ganitong paraan mag mumula ang tunay na pag babago,
hindi lang sa ating bayan kundi sa sarili natin mismo
Marapat lang natin isa-isip at isa-puso ang kagandahang asal ng bukal
sa ating kalooban upang tayo'y masabing ganap na susi sa pag-angat
nitong ating bayan.

 Ang ating kapaligiran
 Kevin Cortez


Ang ating kapiligiran ay ating pag-ingatan nang poong may kapal hindi mag-alangan.
Sa aking mga kababayan sana po ay sumunod tayo sa at pag-ibayuhin pa natin ang pagsunod sa alituntunin ng ating gobyerno. para maiwasan natin ang lumalalang GLOBAL WARMING at pagkasira ng kalikasan.
Magkaroon po tayo ng tamang gawain para maiwasan at mabawasan ang lumalalang GLOBAL WARMING, gaya nalamang ng AIR POLLUTION na nagiging sanhi ng pagkasira ng ating OZONE LAYER na pinangsasangga natin sa init sa ngayon ay nawawasak dahil sa patuloy na paggamit natin ng gasolinang DIESEL. Iwasan po natin ang paggamit nito dahil kung DIESEL palalang ay sumisira na ng todo-todo sa ating mundo. Isa lamang po itong paalala na dapat po nating gawin kung ayaw po natin masira ang ating OZONE LAYER na pinang sasangga sa matinding init.

Maraming salamat po at isang malugod na pagwawakas.

Ang Kabataan ay Pag-asa na Bayan
Ni Janna Rose C. Garin
"Ang Kabataan ay Pag-asa ng Bayan" yan ang madalas sabihin ng mga matatanda.Pero buhay pa ba ang kasabihang ito?
Sinasabing ang kabataan noon ay responsable sa lahat ng bagay. Magalang, mabait, masipag, masunuri at may pangarap sa buhay. Yan ang ilang katangian ng kabataan noon.Ang kabataan naman ngayon ay malayo sa kabataan noon. Hindi na iginagalang ang matatanda, lakwatya ang inuuna kaysa pag-aaral.Hindi naman sa sinisiraan ko ang kabataan ngayon isa rin ako sa kabataan ngayon. Naniniwala pa rin ako na
"Ang Kabataan ay Pag-asa ng Bayan" dahil wala rin ibang gagawa nito kundi tayo. May mga kabataan pa rin ngayon na katulad ng kabataan noon na may mga pangarap sa buhay kaya masasabi kong buhay pa ang kasabihang ito. Kaya tayong mga kabataan ngayon tayo ay magsikap sa ating buhay para umunlad ang ating sariling bayan.

Talumpati ni Beverly E. Labit

Hindi na nga ba tayong mga kabataan ang pag-asa nitong bayan?Ika nila na iba na ngayon ang mga kabataan .Tayong mga kabataan ay masyado ng napaghuhusgahan .Amini na natin na ang iba sa atin ay napapariwala ngunit pinipilit naman natin na itoy iwasan.
Kailangan nating patunayan sa lahat na tayo ang tanging pag-asa ng ating bayan.Tayo ang magpapaunlad nitong ating bayan.Gawin natin ang lahat upang tanggalin ang katiwalian na ginagawa ng mga namumuno sa ating bansa ngayong panahon na ito.
Ngayon magtulong-tulong tayong ibangon muli ang ating bansa na unti-unting nasasadlak na sa dusa.Upang magawa natin ito kailangan natin magkaroon ng pag-kakaisa at mag-aral mabuti upang tayo'y magkaroon ng sapat na kaalamanan para mapatakbo natin ng ayos ang ating bayan sa mga darating na panahon.Ito lamang ang aking masasabi.Maraming Salamat!

Ano nga ba ang kahulugan ng pag-ibig?


Hanna Jayne C. Delgado

Ano ba talaga ang kahulugan ng pag-ibig?
Alam mo ba? Tiyak ako na may kahulugan ka nito.
Maraming kahulugan pero ano nga ba ang tunay?
Nakalilito kung titingnan,nakakaloko kung maramdaman. Pag-ibig nga ba ang aking nararamdaman o sadyang paghanga lamang?

Una ko siyang nakita sa isang gusali at tumatak sa aking isip ang singkit at mapungay niyang mga mata at simula noon ay hinahanap ko na siya. Siya'y ngumiti, pero lagpas pala sa akin.
Patuloy ba akong magmamahal sa taong may ibang mahal? Tunay na ang puso'y mapandaya,
nagsisinungaling para mapagtakpan ang kamalian.
Pagkakataon ang nagdala sa aming unang pagkikita, sa pagkakataong iyon ay inibig ko siya.
Love at first ba ito?
Inaasam ko na dumating na ang panahon hindi para mahalin niya rin ako kundi para kalimutan ko na siya...
Sadyang mahirap ang umibig..
Ikaw anong kwentong rebisco mo? este pag-ibig mo?

Ang Kabataan sa Mata ng Mamamayan

Ang Kabataan sa Mata ng Mamamayan
ni Monaliza Matuguina
Ano nga ba ang kabataan sa mata ng mamamayan? Mga kabataang hindi nag- aaral? Mga kabataan na walang ginawa kundi magbulakbol at sumuway sa utos ng kanilang mga magulang? Mga kabataan na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot? Kabataan sino ka pa ba sa mata ng mamamayan?
Itinuturing ng ating pambansang bayani na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit paano natin maituturing na tayong mga kabataan ang pag-asa kung hindi tayo nagiging magandang halimbawa para sa iba. Kung hindi man lamang tayo nagmamalasakit sa ating kapwa? Ngunit alam mo ba na bilang kabataan, malaki ang maiaambag mo sa pag-unlad ng bayan? Marami kang magagawa ngunit ayaw mo lang, marami kang mapapatunayan ngunit ayaw mo lang subukan. Wag mong sayangin ang oras at pagkakataon na marami kang magagawa dahil ang mga ito ay hindi na maibabalik pa.
Kaya kabataan, wag kang basta maupo lamang, wag kang magpatumpiktumpik pa, dahil ikaw kabataan sa mata ng mamamayan ikaw ay pag-asa ng ating bayan.

Ano ang Uunahin: Pag-ibig o Pag-aaral?
Elaisha Recide

Malungkot, minsan masaya, tapos malungkot ulit. May problema kasi, kailangan kong mamili sa dalawang bagay na sobrang halaga sakin. Paano ko kaya malalampasan ang problema kong ito? Alam ko kasi na kailangan kong mamili lang ng isa para matuldukan na ang paghihirap kong ito. Sabi nga nila "You cant serve two masters at the same time" Ako, bata pa lang ako ay prayoridad ko na ang pag-aaral ko, sinunod ko lahat ng gusto ng magulang ko para sakin, pero nagayong ako naman nag may gusto, papayagan kaya nila ko?

Babae ako, natural hindi na bago sa akin ang salitang pag-ibig, sa ngayon ay may boyfriend ako, ang kaos nga lang ay ayaw sa kanya ng mga magulang ko. Wala raw akong mararating sa buhay ang lalaking ito, wala raw akong kinabukasan sa kanya. Pero bata pa ang puso ko, mabilis magdamdam. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang dumating sda puntong kailangan ko pang mamili. pinagbawalan kasi akong lumabas at makipagkita sa kanya at kinuha na rin ang cellphone ko. Alam ko naman na kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral. Sa totoo lang, mataasa ang pangarap ko, gusto kong makapagtapos ng apat na taong kurso, makarating sa ibang bansa at makapagpundar ng negosyo. Hindi ko naman talaga sila balak suwayin, ang gusto ko lang ay inspirasyon, yung konting tamis sa buhay.

Ngayon ay mas pinili ko ang pag-aaral, gusto ko ng manahimik, sinabihan ko ang kasintahan ko na kailangan ko munang magtapos ng pag-aaral bago ang lahat-lahat.

Kahirapan
Mabelle Pascual

"Ang buhay ay gulong ng palad, kung minsan ay nasa ilalim, minsan ay nasa ibabaw"

Talagang problema sa ngayon ang kahirapan. May mga pamilyang talagang hindi na matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Sa aking edad ngayon ay nakararanas na ako ng mga mabibigat na problema ngayon na hindi ko pa sana nararanasan. Nariyan ang muntikan na kaming hindi makakain sa isang araw, magkulang ang pambaon, kung hindi nag lang siguro dahil sa scholarship ay hindi aq makakapag-aral ngayon. Naawa ako sa mga batang nasa squatters area dahil nakakasabay ako sa agos ng buahy nila, dangan nga lamang at mas maswerte pa rin ako sa kanila.

Dito sa paaaralan ay nakararanas pa rin ako ng kahirapan, may mga pagkakataon ngang nangungutang ako , matagal makabili ng uniporme pero dahil sa kagustuhan kong mag-aral ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na mag-aral para na rin matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay. Dahil alam ko sa sarili ko na biniyayaan pa rin Nya ko , dapat kong pahalagahan ang bawat sandaling hinayaan Niya kong mabuhay. Nakatakda ang lahat ayon sa plano Niya.

Sa inyong mga amg-aaral ay malaman sana ninyo ang kahalagahan ng pera at pag-aaral. Matutunan nyo sanang gamitin ito sa produktibong paraan. Maikintal ko sana sa pag-iisp ninyo ang karanasan kong ito ay maari rin ninyong maranasan.

"Lahi ng mga kabataan"
Jerome B. Barrios.
Ano ba ang kabataan sa paningin ng mga matatanda?
Isang kabataan na ang alam sa buhay ay maglaro at maglibang sa buhay.
O "ang kabataan ang siyang tutupad ng mga pangarap",
o sa isp ng mga matatanda na ang mga kabataan ay salot sa lipunan.
Ang kabataan ay isang napakahalagang bagay na nabubuhay sa mundo,Bakit?
may kasabihan na "ang kabataan ay pag-asa ng bayan." At ang pag-asang ito ay siyang tutungo sa magandang pag-unlad ng ating baya.
Kaya tayong mga kabataan ay naririto sa mundong ibabaw, dahil gusto nating ipakita sa buong mundo na "ang kabataan ay susi sa magandang kinabukasan."
Kaya tayong mga kabataan ay lalong magsumikap, upang ang pangarap ay makamit ng lubusan.

Hadlang nga Ba Ang kahirapan sa Pag-aaral?
Faye Lyn Dela Cruz

Hadlang nga ba ang kahirapan sa pag-aaral?
tanong ng kapwa kong kabataan,
Ako'y isang estudyante na nasa gitnang estado lamang,hindi mayaman,hindi rin kahirapan
Pero gaya ng iba,namomoblema rin ako sa aking matrikula,
At sa aking opinyon,ang isang taong marunong mangarap,ay hindi uso ang nakakabinging salitang"hadlang",
makaka pag-aral tayo,gamit ang ating sariling pagsisikap at pangarap,
Laban sa hirap at problemang ating kinasasadlakan,
Ako'y
naniniwala na tayong lahat ay makararating tungo sa ating pangarap gamit ating sariling paraan.

Ako'y nanggaling sa isang mahirap pamilya. Isang kahig, isang tuka- ganito ang klase ng pamilya mayroon ako. Ngunit sa kabila ng kahirapan namin ay pinagsikapan nang aking mga magulang na makatapos ako ng pag-aaral. Ilang taon din akong pumasok sa eskwelahan sa Pilipinas- anim na taon sa elementarya, apat na taon sa sekundarya, at anim na taon sa kolehiyo. Sa aking pag-aaral ay marami ring akong hirap na dinanas. Siguro kung hindi ako nagsikap na makatapos nang pag-aaral ay baka kung saan ako pulutin. Posibleng palamunin ako sa amin, maaaring tambay sa kanto at walang direksyon ang buhay.

Sa pagdaan ng taon at sa paulit-ulit na sitwasyon, isang katanungan ang nabuo sa aking isipan. "Bakit ako pinanganak na mahirap?" Sagot ko na lang sa aking tanong ay siguro may dahilan ang nasa Itaas kung bakit ko nararanasan ang mga ito.Dumating ang panahon at magtatapos na pala ako ng High School. Wala akong karangalang nakamit, ngunit sa aking puso at isipan ay buo ang aking loob na matutupad ko ang aking “munting pangarap”.

Kalikasan ng Daigdig

Kalikasan ng Daigdig
Ni Mary Anne M. Valdeabella

Sa ngayon ano nga ba ang kalagayan ng kalikasan ng daidig?
Nakakalungkot isipin na ang kalikasan ng daidig ay unti-unting naglalaho nang dahil sa tumubo sa puso ng sangkatauhan,ang kasakiman sa katanyagan, karangalan, at kayamanan. Pinagnasaan niya ang higit pa sa kanyang pangangailangan.Pangagailangana nasasalig sa makasarili at makitid na layunin.
Ngayon ay unti-unting nauubos ang kalikasan ng daigdig.Naging mapanglaw ang kinabukasan,ang tao ay daranas ng isang kalagimang magiging bangungot na pawing kikitil sa sangkatauhan.
Huwag hayaang maglaho ang paraisong daigdig na buhat pa sa Maykapal.Huwag maging sakim at palalo.Hindi pa huli upang kumilos.Ipagtanggol at pangalagaan natin ang kanyang kalikasan.

Kaibigan
Rachelle Pamatmat

"Ang kaibigan ay hindi yung taong kausap mo araw-araw, o kasama mo lagi-lagi. Ang kaibigan ay yung taong nagparamdam sayo, kahit isang sandali, na walang problema sa mundo, na kumpleto na ng iyong buhay, at pwede ka nang mamatay at maglaho, dahil nakaramdam ka na ng kasiyahang di mapantayan kahit langit."

Madalas ko itong marinig sa mga matatanda. Sa kaibigan raw kasi masasalamin ang pagkatao mo. Sa uri at ugali ng kaibigan mo.Lagi kaming nagkakatampuhan ng kaibigan ko dahil lang sa pagkikita namin na madalas ma reset kesa matuloy.Sa isandaang kaibigan ko ay iilan lamang ang tootong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin, karamihan sa kanila ay kaibigan ko lang pagdating sa kaligayahan at nalisan kapag ako na ang nangangailangan ng tulong nila. Kunwariy wala sila, may ginagawang importante. Bakit? Hindi ba ko importante? Sa palagay ko ngay hindi pero nagpapasalamat ako at may natitira pa rin na tunay ang pakikipagkaibigan sa akin, sabi nga nila ay mas tatatag pa daw ito pagdating ng marami pang taon.Pero ano ba ang pagkakaiba ng tunay na kaibigan sa kaibigan?

Ang tunay na kaibigan ay hindi nangangako na hindi ka iiwan pero nandiyan iyan. Ang kaibigan ay mahilig mangako ngunit lagi iyang napapako.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka ilalaglag kahit hirap sila. Ang kaibigan kapag nalamang umaangat ka ay hindi ka na kilala.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka sasamahan kapag may kasama ka, sila ang lalapit kapag mag-isa ka na. Ang kaibigan lumalapit lang para sa tingin ng iba ay kaibigan mo sya.

Ang tunay na kaibigan ay sasaluhin ka kapag babagsak ka. Ang kaibigan kapag bumagsak ka tatawanan ka pa.

Ang tunay na kaibigan hanggang sa huli nandiyan iyan. Ang kaibigan hanggang umpisa lang.

Ang tunay na kaibigan ay hindi malalapitan at matatakbuhan, bagkus sila ang lalapit kapag nangangailangan ka. Ang kaibigan tutulungan ka kapag may nakatingin na iba, pero kapag kayong dalawa na lang, “Bahala ka na”.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka pinupuri. Ang kaibigan pinupuri ka kapag nakaharap ka lang. Ang tunay na kaibigan ay pinakikinggan ka ng tahimik. Ang kaibigan pag nakinig, lahat makakaalam.

Ang tunay na kaibigan ay hindi binibilang kung gaano kadami ang kaibigan. Ang kaibigan pinipili kung sino ang sasamahan.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ginagamit ang pagkakaibigan kapag gipit na. Ang kaibigan nagiging kaibigan kapag hihingi ng pabor.

Ang tunay na kaibigan ay pinupuna ang iyong kamalian. Ang kaibigan kapag may mali ka walang iyang pakialam.

Ang tunay na kaibigan nagsasabihan ng problema kapag may alitan. Ang kaibigan kapag kinausap mo hindi ka papansinin.


Ang tunay na kaibigan kahit magkalayo kayo ay hindi ka kakalimutan. Ang kaibigan kapag malayo ka na hindi ka na kilala.


Ang tunay na kaibigan nagpapahalaga. Ang kaibigan walang pakialam.

Salamat sa ating mga tunay na kaibigan, Oo, mahirap magpasalamt sa kanila.

Kapatid
Syrill Esquivel

"Wag mong isiping nag-iisa ka...laging isiping may makakasama"

Paborito kong linya iyan sa kantang Hawak Kamay dahil masasalamin diyan ang pagmamahal ko sa aking kapatid.Pero minsan na kaming sinubok ng panahon. Nalaman ko noon na Anemic siya at mahina ang resistensya. Naiyak ako noon pero naisip ko na may plano Sya. Nangako ako sa Kanya na kung kailanganin ng kapatid ko ang kahuli-hulihang hininga ko ay ibibigay ko ito ng walang pag-aalinlangan.

Trese anyos pa lang ang kapatid pero madalas na syang mapaaway dahil sa maigsing pasensya, pinapagalitan ko sya pero mahal ko sya.Natural, kapatid ko sya.
Madalas nyang bigyan ng sama ng loob si nanay pero sa kabila noon ay mahal namin sya. Naiintindihan namin sya, bata pa sya.Hindi ako nag-iisa sa aking problema, may kasama ako. siya. Hindi lang ako ang nakararamdam ng sakit. Marami kami, hindi lang ako, pati ang nakita ko. Ngunit hindi lang ito ang paraan para makabangon: magsumikap, magsipag, mag-aral ng mabuti. Iyan ang dapat gawin. Kaya kung ikaw man ay isa sa amin, tumayo ka, ‘wag mawalan ng pag-asa, hindi ka nag-iisa.

Mahal ko siya at ganon din sya sa akin, mahalin natin ang mga kapatid natin dahil pinadala siya ng Diyos upang pasayahin tayo at bigyan ng makakatuwang sa buhay natin.

Pagmamahal sa Diyos
Casielyn Flores

"For God so loved the world that He gave His only begotten Son"

Ganyan tayo kamahal ng Panginoon, sa kabila ng kasalanan na nagagawa natin sa kanya ay palaging may puwang sa puso nya ang pagpapatawad sa mga kasalanan natin
Minsan nya tayong pinarusahan ngunit sa tindi ng pagmamahal nya ay binigay nya nag kanyang bugtong na anka upang iligtas tayo sa kasalanan at kamatayan.
Sa ngayon tayo ay mamamatay pero ang mga sumasampalataya sa kanya ay makakapiling nya sa kalangitan at magkakaron ng walang hanggang buhay.

”Love is not a duo, it is trio.” Anung ibig kong sabihin, na natural na nga nating mga tao ang magmahal. Pero kadalasan nating naiisip tuwing pagmamahal ang usapin ay ito ay sa pamamagitan ng isang lalaki at isang babae na magsing-irog. Hindi natin napapansin na may isang namamagitan sa bawat relasyon. Hindi natin napapansin na sa Kanya nagmumula ang bawt pintig ng puso mo para sa iyong minamahal. Hindi natin napapansin na may Diyos na pinagmumulan ng lahat. Diyos na kahit pinagbubuntis ka pa lang ay karelasyon mo na, Wala ka pang muwang ay nagmamahal na sayo. Diyos na taong totoo at Diyos na totoo. Diyos na nagpapatawad.

Masarap talaga ang pakiramdam ng nagmamahal. Pero mas masarap magmahal kung ito ay nasa tamang paraan. Sana, pag tayo ay nagmamahal,maalala natin ang tatlong puntos; na puso ang ginagamit sa pagmamahal,na ang pagmamahal ay isang relation at na ang pagmamahal ay lagging may tagapamagitan, ang Diyos. Sabi nga ni St.Paul sa unang sulat niya sa Corinthians,”So Faith, Hope, Love remains; these three; but the greatest of these is love.”(1Cor.13:13) Kaya naman, LETS REMAIN THESE THREE IN OURSELVES,BUT THE GREATEST OF THEM IS LOVE.

Hindi lamang ito ang natatanggap nating biyaya mula sa kanya ngayon, binigyan nya rin tayo ng matitirhang mundo na.
Walang hanggang pagmamahal ang inialay at ibinigay sa atin ng Diyos na makapangyarihan.

Ang Krisis ng ating Ekonomiya
Janine Lyca Elbo

Korupsyon, paglobo ng populasyon at tuluyang pagbagsak ng ekonomiya...ano pa ba ang bago?Wala na bang iba? Palagi na lamang ba tayong kulelat pagdating sa pag-unlad?Tama, iilan lamang ang nakilos kayat hindi tayo naunlad.Hindi ba tayo maaring maging isa kahit para sa pag-unlad natin? Hindi na bago itong paksang ito; nagkalat sa diyaryo, radyo, sa balita sa tv ang nangyayari sa ekonomiya ng buong mundo. Hindi na nakapagtatakang nangyayari ito dahil na rin sa napakarupok na sistema ng ekonomiya ng mga bansa, maging mayayaman man yan o hindi.

Kailangan pa nga siguro natin ng People Power upang matigil na ang pagdami ng mga tiwaling opisyal na parang damong ligaw na mahirap sugpuin.Samu’t sari ang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya dito, at dahil iba-iba at pagkagulo-gulo ng pagpapaliwanag ng mga kinauukulan tungkol sa krisis na ito, hindi na alam ng mga tao kung anong paniniwalaan. Nakakatakot isiping hindi masosolusyunan ng gobyerno ang problemang ito sa lalong madaling panahon dahil ang takbo ng buhay ng nakararami o di kaya’y lahat ay nakasalalay sa takbo ng mga bangko. Ang masaklap pa eh dahil walang likas na pinagkukunang yaman ang Islandiya maliban sa isda at aluminum, walang mabibiling pagkain ang nasyon na ito mula sa ibang bansa kung magpapatuloy ang krisis na ito. Kailangan natin ng pagkakaisa upang mas mapabilis ang gawain. Pero ang sabi naman ng mga opisyales ng gobyerno ay masosolusyunan ito at hindi kailangang mabahala ng mga tao, pero sa totoo lang kahit sila, wala ring ideya kung paano masosolusyunan ito kung hindi uutang o humingi ng tulong sa ibang bansa. Eh ang ibang mga bansa ay may hinaharap rin namang sariling krisis at kung may tutulong man, hindi mawawala ang mga “hidden agenda.” Ang mga bansa, sa totoo lang, parang napakamakasariling mga bata, wala nang inisip kundi sarili nilang kapakanan, at alam ko na sa krisis na ito, sari-sarilihan ang pakikipaglaban sa kahirapan.

Kailangan na nating gumising at bumangon upang ipagpatuloy ang nasimulan na nating laban.
Maari naman talaga tayong makipagsabayan sa ibang bansa kung talagang gugustuhin natin. Kung kikilos lamang tayo para sa pagbabago. Kung tutuusin naman leksyon na rin ito sa mga nagyayamanang bansang biglang nasalanta ng krisis na matuto na’t hindi na masyadong maging mapagmahal sa mga makamundong bagay, sa pagpapayaman, sa pera, na hindi naman talaga dapat maging sentro ng mga buhay natin dito sa mundo.


Mahirap at Mayaman
Benson Jay Cabreza

"Walang malaking nakakapuwing"

Madalas mo itong maririnig sa mga squatters area...ito ang sinasabi nila kapag sila ay natatapakan ng mas matataas na tao.
Ayoko na sanang makialam pa sa isyung ito ngunit sinasabi ng isip ko na ilabas ko ito. Bakit nga ba tila mabilis mapaikot ng may pera ang hustisya at pamahalaan.
Sa panahon ngayon ay kailangan na raw maging praktikal. Sa akin ay hindi, bakit ka magpapasilaw sa perang alam mo namang galing sa masasma at gagamitan pang muli sa kasakiman.

Kasakiman ng mga naghahangad ng posisyon sa pamahalaan ay laganap lalo na kung darating ang eleksyon, nariyan ang mga politikong naglalagay ng pera sa ilalim ng ipinamimigay na flyers. Akala ba nila ay porket mahihirap ang mga tao ay mabibili na nila ang boto nila?
Siguro sa ilang alanganin ang pamumuhay ay kakagat sa pakulo nilang ito, pero alam ko na may ilan pa ring matatag ang prinsipyo na hindi pumapayag sa ganitong klaseng anomalya.

Wag na sana nating hayaang malugmok tayo sa kumunoy ng kasakiman na mahihirapan tayong maka-alis. Sana ay kahit sa simpleng paraan ay makagawa tayo ng tama kahit na tayo ay kabataan pa lang. Sa tulong natin ay maaring marami ang sumunod at magpatuloy ng ating nasimulang adhikain.

Kabataan
Robin Joven

"Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan"

Paano mangyayari ito kung sa panahon ngayon ay hindi nabibigyang-pansin ang paghubog sa ugali ng kabataan?
Ilang kabataan na ba ang kasama ng mga kriminal sa kulungan dahil kasangkot sa mga krimen? Laging tambad sa balita at mga pahayagan ang mga klase ng balitang may kasamang bata na idinadamay panila sa mga kasamaan nila. Sa murang pag-iisip nila ay ang magulong mundo na agad ang tumatatak sa pag-iisip nila.

Hindi bat ito ang bunga ng kawalan ng pagbabantay? Bakit sa murang edad nila ngayon ay kailangan nilang danasin ang lupit ng mundo? Wala nanga bang natitrang pag-asa si Rizal sa ating mga kabataan ngayon? Bago pumanaw si Donya Aurora Quezon ay sinabi rin niya ang halaga ng kabataan sa pamamagitan ng batas ukol sa Juvenile Deliquency o ang Pagkakalisya ng Kabataan. Ibig sabihin ay noon pa man ay may mga nagnanais na ng pagbabago para sa kabataang napapariwara na sa buhay nila. Minsan nga ay may nakita akong bata sa palengke na nanghihingi ng pera at pagkatapos na bigyan ng maawaing babae ng pera ay hindi man lamang nagpasalalmat at tumakbo sa isang babae at iniabot ang napaglimusan niya. Sa sitwasyong ito ko napagisip-isip ang kalagayan niya, nabuahy sa kalye ng walang edukasyon at hinayaang lumaki ng walang tamang gabay.

Sa madaling salita ay nais ko lamang mabigyang pansin ng ating pamahalaan ang ating mga kabattan lalo na ang mga batnag ulila, palaboy o dili kaya ay mga batang nagtatrabaho sa murang edad na nila na sana sila ay nag aaral at nagpapahinga.
Nais ko lang ng pagbabago lalo na sa kabataan.

Magulang
Kristine Sumagui

"Walang magulang na kayang tikisin ang anak"

Ang pagmamahal ng magulang ay walang hanggan, walang limitasyon at pang habang-buhay. Ito ang pingangahawakan kong pangako ng Diyos sa akin.

Sa aking murang pag-iisip ay naranasan ko na ang lahat ng mag dapat maranasan ng isang kabattan, ang masampal, mamura at makagalitan. Pero sa kabila nito ay hindi ako sumuko. Ipinagpatuloy ko pa rin ako ng mataas dahil naging masaya ako sa naging buhay ko. Maaga kasi kaming nawalan ng haligi ng tahanan pero namuhay ako sa prinsipyo ng tatay ko. Sinabi niya sa amin noon na sa lahat ng hamon ng buhay ay may awa ang Diyos.

Nangarap ako, Oo. Napagtanto ko kasi na mahal na mahal ako ng mga magulang ko dahil pinayagan nilang makita ko ang ganda ng mundo, ang paligid. Kahit na tayo'y kagalitan ng ating mag amagulang ay dapat parin natin silang mahalin dahil sa pagsisilang pa lang nila sa atin ay malaki na ang utang natin sa kanila. May mga oras ngang mainit ang ulo nila kaya tayo napagtataasan ng boses, sana ay intindihin na lang natin sila.

Gusto ko sanang iparating sa lahat na ang magulang pa rin ang maiiwan sa atin sa bandang huli, sila pa rin ang dadamay at aagapay sa ating paglaki, mawawalan tayo ng kaibigan pero sila ay mananatili at hindi tayo pababayaan, ganyan nila tayo kamahal. Mabatid sana ito ng lahat ng kabataang iniisip na hindi sila mahal ng kanilang magulang.