Mga Talumpati mula sa Info.Tech I-A

Martes, Setyembre 8, 2009

Lipunan ni Juan Dela Cruz

Aaronne Ace A. Acosta

“Sino nga ba si Juan?”. Ito ang palaging tanong sa akin ng aking bunsong kapatid sa tuwing maririnig nya ang pangalang ito sa balita, sa radio, o kahit sa simpleng usapan ng matatanda. Sinasabi ko na lang sa kanya na kung ang mga Amerikano ay may Uncle Sam, tayo naming mga Pilipino ay may Juan Dela Cruz. Tunay ngang dala ng pangalang ito ang dugo nating mga Pilipino. Ilan na ba ang Pilipinong nakilala sa ibang bansa dahil sa angkin nilang galling at talento?, pero teka, bakit sa ibang bansa?

Tayong mga Pilipino ang tunay na may colonial mentality o kung sasabihin sa mas madaling paraan ay ang pagtangkilik sa produkto, kabihasnan, at kultura ng ibang bansa.Ilan sa mga ito ay anng mga kaugaliang tila nakakaklimutan na ng kabataan ng ngayon tulad ng pagsasabi ng Po at Opo at ang pagmamano. Iilan na lang ba ang nakakaalaa sa kaugaliang ito? At ang huling huli ay ang “Brain Drain” na talagang laganap na sa kabataan ngayon. Iniisip nila nag magandang kinabukasan na naghihintay sa kanila sa Amerika, mas gugustuhin nilang manatili doon kaysa sa dito sa Pilipinas. Totoo, may pagkukulang tayo, bulok ang sistema ng pamahalaan, korupsyon, bagsak ang ekonomiya at marami pang iba. Madalas na walang pondo ang pamahalaan upang tustusan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Patatagalin pa ba natin ito? Bakit hindi natin subukang kumilos? Ako mismo ay naghahangad ng pagbabago dahil gusto kong ipagmalaki sa mundo na Pilipino ako. Kailangan nating burahin ang masamang imahae ni Juan na minsan nang nabansagang tamad.

Kailangan na nating gumising, bumangon at simulan ang pagbabago. Simulan natin ito sa sarili natin.

Mga etiketa:

11 Mga Komento:

Ayon kay Blogger kim chie...

maganda ang ginawa mong talumpati,
kailangan natin magka-isa at mag tulungan upang makamtan ang pagbabago na ating hinahangad.

dahil wala tayong mararating sa buhay kung tayo'y magiging tamad.

Setyembre 9, 2009 nang 1:40 AM  
Ayon kay Blogger ronnel...

nakakaantig nmn ang talumpati muh zana mkagawa ka pa ng mdami..

Setyembre 10, 2009 nang 9:22 PM  
Ayon kay Anonymous Shynna...

maganda sya...sana lang mabasa pa sya ng iba pa na naghahangad sa pagbabago...

Setyembre 13, 2009 nang 7:41 PM  
Ayon kay Blogger mhamen...

maganda..nkakaantig ng damdamin...maganda rin yung nais iparating ..

Setyembre 13, 2009 nang 7:42 PM  
Ayon kay Anonymous Jerome...

ang pagbabago ay dapat na makamtan ng lahat at hindi ng isang tao lamang...


hindi sa lahat ng oras ay may magagawa tayong mga kabataan sa hinahangad mong pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

Setyembre 13, 2009 nang 7:43 PM  
Ayon kay Anonymous Shelly Rose...

maganda at hindi nakaktamad basahin, sana ay mabigyan ng pansin ng pamahalaan ang talumpati mo para hindi naman tayo mangulelat sa ekonomikal na estado....

Setyembre 13, 2009 nang 7:45 PM  
Ayon kay Blogger seashore...

natatawag pansin ang mga talata..

Setyembre 13, 2009 nang 7:45 PM  
Ayon kay Anonymous Andrea...

sabi nga ng pamahalaan natin ay ang ekonomiya ng bayan ay lalong babagsak kung ang pagtangkilik sa produkto ng ibang bansa ang patuloy nating gagamitin...bakit kaya hindi natin subukan ang pagtangkilik sa produktong pilipino?

Setyembre 13, 2009 nang 7:47 PM  
Ayon kay Anonymous Zephy...

sana lang ay maging totoo ka sa ginawa mong talumpati upang kahit sa maliit na paraan ay makatulong tayo sa ekonomiya ng ating bansa....

Setyembre 13, 2009 nang 7:48 PM  
Ayon kay Anonymous Ana Leah Sacro...

sana ay maging produktibo pa tayong mga pilipino upang maging mulat ang ating mga mata sa patuloy na pagbagsak ng ating ekonomiya na hindi na natatago sa panahon natin ngayon na kailangan na ng mas produktibong pagkilos....

Setyembre 13, 2009 nang 7:50 PM  
Ayon kay Anonymous Hindi-nagpakilala...

Napapanahon at talagang may laman ang mga iyong pahayag sa talumpati. Nakakalungkot isipin na ganito na kabulok ang sistema ng ating bayan. Nawa magsimula sa bawat isa ang hinahangad nating pagbabago. Hindi na marahil tayo sakop ng ibang bansa, ngunit mas malala ang mga nangyayari sa ngayon. Tunay ngang mapanganib kung mamumuno ang isang tao na minsan nang nakaranas ng pagkaalipin, tulad ni Juan.

Hindi sapat ang mabuting pangulo o lider upang makamtan ang pagbabago. Magmumula ito sa pagbabago at pagtatama ng maling kaisipan ukol sa mga problemang pulitikal at sosyolohikal. Higit sa lahat, ay ibahagi ang pagkamulat ng kamalayan sa tunay na sakit ng ating Inang Bayan.

Nobyembre 5, 2009 nang 4:04 AM  

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home